Grade 8 student, nasawi sa tama ng kidlat; kapatid nito, tinamaan rin

Grade 8 student, nasawi sa tama ng kidlat; kapatid nito, tinamaan rin

-Nasawi ang isang grade 8 na binatilyo matapos tiong tamaan ng kidlat kasama ang nakababatang kaptid nito na sugatan naman

-Ayon sa report, nagpakain lamang ng mga hayop ang magkapatid nitong Sabado sa kasagsagan ng ulan

-Humihingi naman ng tulong ang pamilya ng mga biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sunog ang katawan ng isang binatilyo sa Zamboanga City dahil sa tama ng kidlat na ikinasawi nito.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagpakain lamang daw ng mga hayop ang magkapatid na Robin at Farlan Gaspar nitong Sabado sa kasagsagan ng ulan.

Dahil sa lakas ng ulan, sumilong muna daw ang magkapatid sa isang kubo.

Bigla na lamang nakarinig ang ina ng mga ito ng isang malakas na kulog na may kasamang kidlat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinamaan na pala ang magkapatid ng kidlat na siyang ikinasawi ni Robin, habang ang nakakabatang kapatid nitong si Farlan ay sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Humihingi ng tulong ang pamilya ng mga biktima sa baranggay at lokal na pamahalaan, ayon pa rin sa ulat ng GMA News.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anyare, ASAP?! Tanong ng maraming dismayadong fans sa bagong bihis ng ASAP

Anyare, ASAP?! Tanong ng maraming dismayadong fans sa bagong bihis ng ASAP

Anyare, ASAP?! Tanong ng maraming dismayadong fans sa bagong bihis ng ASAP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel