Babaeng kumanta ng 'Lupang Hinirang' sa ibang bansa, nagkamali sa lyrics nito

Babaeng kumanta ng 'Lupang Hinirang' sa ibang bansa, nagkamali sa lyrics nito

-Isang babae, nagkamali sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang' sa isang sports event sa San Francisco, California

-Sa kabila ng mainit na issue sa pagpapalit ng huling linya sa ating Pambansang awit, uminit ang ulo ng ilang Pilipino dahil dito

-Ayon sa ilang netizens, hindi dahilan na sa banyagang bansa kinanta ang 'Lupang Hinirang' para magkamali sa pag-awit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mainit na issue sa pagpapalit ng huling linya ng 'Lupang Hinirang', isang babae pa ang tila nagpainit dito.

Sa isang sports event sa San Francisco, California, isang Filipina ang nagkamali sa ilang lyrics ng ating Pambansang awit.

Sa gitnang bahagi, maririnig ang tila 'di siguradong pagkanta nito hanggang sa patuloy itong nagkaroon ng pagkakamali sa lyrics.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming Pilipino tuloy ang na-disappoint dahil dito.

Netizen: "Noooooo! Kung pinoy ka alam mo dapat ang National Anthem ng Pilipinas. Elementary or Kinder palang alam na natin yan. At hindi reason ang pagiging Fil-Am sa pagkakamali mo ng lyrics. In the first place, alam mong napaka particular ng mga Pilipino sa ganitong issue. Kahit hindi na sana ganun kabongga ang pagkakakanta mo, well atleast you should've sang it with the right lyrics. Mas kinabisado mo sana yung meaning at lyrics nung anthem. Sad."

Netizen: "nauna na syang nagpalit ng lyrics hahaha...(joke) siguro nakalimutan na nya yung mga lyrics, sa tagal na nya siguro sa US. pero sana pinag aralan nya muna lalo at stadium ang venue."

Netizen: "Omg! Singing the national anthem is not about showcasing your voice, its to bring honor and oath to your country. Im sorry but this is not just a fail, its mockery."

Netizen: "Regardless of her being a Fil-Am, she should've come there fully prepared! For sure, she hasn't just been pulled out from somewhere and told to sing the Philippine National Anthem. This is unacceptable!"

Sa kabila nito, mayroon namang tila naawa sa babae. Ngunit hindi nga ba't kaya mainit at pinag-iisipan ang pagpapalit ng lyrics ng 'Lupang Hinirang' dahil ito ay parte nating mga Pilipino?

At ang pagkanta nito ay pagpapakita ng paggalang hindi lamang sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan kundi sa mismong minamahal nating Pilipinas.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!

Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!

Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel