Kris Aquino, madiin na sinagot ang balita na tatakbo siya ngayong 2019 election

Kris Aquino, madiin na sinagot ang balita na tatakbo siya ngayong 2019 election

- Matagal ng binabalita ang pagtakbo umano ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa darating na eleksyon ngayong 2019

- Sa wakas may sagot na ang Crazy Rich Asians star sa mga haka-haka ng maraming mga tao tungkol sa napapabalita

- At madiin ang sagot ni Kris dala na rin sa marami ang nagtatanong tungkol rito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Madiin na sagot ni Kris Aquino na hindi daw siya tatakbo sa senado sa darating na eleksyon ngayong 2019.

Ginamit niya ang kanyang Instagram account, na kamakailan ay sinabi niya na 100% siya ang naghahandle, para tugunan ang mga tanong ng maraming Pinoy.

Ang anunsyo ni Kris sa IG niya ay ginawa niya noong Sabado ng hapon, September 22, na naispatan ng KAMI.

Ito raw ay matapos mapabilang ang kanyang pangalan sa isinagawang survey para sa senatorial race ng isang polling body umano, ani pa ng PEP.

Unang madiin na sinabi ni Kris na in capital letters pa sa mahabang caption ay:

"LOW ME TO FIRMLY SAY THAT I WON’T SEEK ANY NATIONAL ELECTIVE POST IN 2019"

At mas lalong diniinan pa niya sa isa pang statement sa caption niya.

"HINDI PO AKO TATAKBO PARA SA SENADO IN 2019."

Matatandaan na malakas ang haka-haka at balita na tatakbo nga raw si Kris Aquino sa senado sa susunod na eleksyon.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel