Pres. Duterte, minamadali ang bill kontra-'endo'

Pres. Duterte, minamadali ang bill kontra-'endo'

-Nais na umanong madaliin ng Pangulo ang Senate Bill No. 1826 or Security of Tenure Bill o pag-aalis sa 'endo'

-Ito ang laman ng isang liham ng Pangulo kay Senate President Vicente Sotto III

-Sa pamamagitan ng liham na ito, mag magkakaroon ng agarang aksyon ang Senado upang mapabilis ang pagpasa ng bill

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayaw sa 'endo', kaya naman nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin na ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 1826 or Security of Tenure Bill ayon kay Senator Joel Villanueva.

Sa isang liham para kay Senate President Vicente Sotto III, nag-request ang Pangulo ng agarang pagpapatibay sa nasabing bill.

“I hereby certify to the necessity of the immediate enactment of Senate Bill 1826…in order to strengthen workers’ security of tenure by prohibiting the prevalent practices of contractualization and labor-only contracting which continue to immerse our workers in a quagmire of poverty and underemployment,” ayon sa liham ng Pangulo, na nakuha ng KAMI sa GMA News.

Ang sertipikasyong ito mula sa Pangulo, magkakaroon ng agarang pag-aksyon ang Senado upang mas mapabilis ang pagpasa ng bill.

Nitong May pumirma ang Pangulo sa isang executive order na nagbabawal sa ilegal na pagkontrata, o subcontracting, at pagpapalakas ng mga karapatan ng manggagawa sa seguridad ng panunungkulan ayon sa ulat ng GMA News.

Ayon kay Sen. Villanueva, chairperson of the Senate committee on labor, employment, and human resources development at siyang sponsor ng bill, “We laud the move of the President certifying our Security of Tenure Bill as a priority measure. It is important that we pass this into law to finally put an end to work schemes like ‘endo’ and labor-only contracting,”

Ayon pa dito ang kontraktwalisasyon ay nakakaapekto sa 1.9 million na manggagawa sa private sectors. 3 sa 10 Pilipinong manggagawa ang hindi regular at 1 sa 2 'di regular na empleyado ay contractual.

Kapag naipasa na sa Senado, ang panukala ay mag-aalis ng mga hindi pagkakaunawaan sa Kodigo sa Paggawa at;

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

(a) ipagbabawal na ang labor-only contracting at pagbibigay ng parusa sa paglabag nito;

(b) limitahan ang pagkontrata ng trabaho sa mga lisensyado at dalubhasang serbisyo;

(c) uriin ang mga manggagawa sa mga regular at probationary employees at itrato ang mga project at seasonal employees katulad ng sa regular employees;

(d) magbigay ng seguridad ng panunungkulan;

(e) paglilinaw ng mga pamantayan sa probationary employment; at

(f) pagbibigay ng "Transition Support Program" para sa mga empleyado habang sila ay wala sa trabaho o paglipat sa pagitan ng mga trabaho.

“Senate Bill 1826 is clear enough to meet the interests of the labor sector and the interests of the business sector," ayon kay Villanueva.

“We certainly need a law that will not only uphold our workers' basic labor rights and restore dignity of work, but also a law that will promote quality employment without jeopardizing business operations but rather create more stable jobs for every Filipino,” dagdag nito.

Ayon pa sa Senador ang pagbibigay sa mga manggagawa ng katiyakan at panlipunan proteksyon ang siyang magtutulak sa kanila na maging mas mahusay at mas produktibo.

POPULAR: Read more news about Pres. Rodrigo Duterte here!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Explainer: What are the flag protocols and why are they important?

Explainer: What are the flag protocols and why are they important?

Explainer: What are the flag protocols and why are they important?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel