Nakakaiyak! OFW na anak nagpanggap bilang Jollibee waiter, sinorpresa magulang pagkatapos ng 5 taong di-pagkikita

Nakakaiyak! OFW na anak nagpanggap bilang Jollibee waiter, sinorpresa magulang pagkatapos ng 5 taong di-pagkikita

- Isang OFW na anak ang nagbigay ng napakagandang sorpresa sa kanyang mga magulang

- Nagpanggap ang anak na isang waiter sa Jollibee at natatakpang ang mukha niya habang dinadalhan ng pagkain ang mga magulang

- Nang mailapag ang pagkain, kinuha niya ang takip sa mukha at sobrang tuwa ng mga magulang niya nang makita siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang anak na OFW ang nagbigay ng pinakamagandang sorpresa para sa kanyang mga magulang!

Umuwi siya ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng kanyang nanay at tatay. At para mapasaya sila nang husto, sa tulong na marahil ng isang kaibigan o kamag-anak, dinala niya ang mga magulang sa Jollibee!

Nalaman ng KAMI na nagpanggap siya bilang waiter ng nasabing fastfood chain. Naglagay siya ng takip sa mukha para hindi siya makilala.

Nakakaiyak! OFW na anak nagpanggap bilang Jollibee waiter, sinorpresa magulang pagkatapos ng 5 taong di-pagkikita

Nakakaiyak! OFW na anak nagpanggap bilang Jollibee waiter, sinorpresa magulang pagkatapos ng 5 taong di-pagkikita
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang mailapag na niya ang pagkain, tinanong niya ang mga magulang kung may gusto pa silang iorder.

At nang sabihin nilang wala na, saka niya tinanggal ang takip sa mukha.

Dito na napagtanto ng nanay at tatay niya na anak nila ang waiter.

Kitang-kita ang pagkabigla sa mukha ng nanay niya na agad napalitan ng sobrang saya.

Sabi ni John Tingcang Casping, "Dahil 5 years ko nang hindi ko na nakikita ang aking mga magulang at dahil miss na miss ko na sila idinaan ko sa isang sorpresa kaya nagpapanggap akong isang waiter sa isang kilalang food chain sa#PAGADIANCITY#SURPRISEVISIT#ILOVEMYPARENTS salamat kay Mae Laure at kay nel para maisakatuparan ko ang lahat ng ito."

Talagang napakasuwerte ng mga magulang ni John. Siguradong napakabait din ng mga magulang niya sa kanya.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking "nanay" at babaeng "tatay", kinasal na matapos ang 20 taon na pagsasama

Lalaking "nanay" at babaeng "tatay", kinasal na matapos ang 20 taon na pagsasama

Lalaking "nanay" at babaeng "tatay", kinasal na matapos ang 20 taon na pagsasama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel