5 Celebrity friendships na tumibay at lalong pinagtibay sa nakalipas na panahon

5 Celebrity friendships na tumibay at lalong pinagtibay sa nakalipas na panahon

Heto ang ilan sa mga celebrity friendships na pinagtibay ng panahon at lalong pinagtibay sa nakalipas na panahon.

Lahat tayo ay may kaibigan o mga kaibigan na ating inaalagan at tinitreasure hanggang magpakailanman.

At ang KAMI ay sumusuporta sa mga magagandang pagsasamahan at karapat-dapat lang na ipagdiwang at bigyang halaga.

Narito ang lima sa mga kilalang celebrities na pinagtibay ang ang pagkakaibigan sa nakalipas na panahon.

Ang iba sa kanila ay nagsimula noong mga bata pa sila, at ang iba naman sa kanila ay noong nasa teens pa sila.

Silipin natin ang listahan na unang naispatan namin sa ABS-CBN News.

1. Carmina Villaroel, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Aiko Melendez

Kamakailan lang ang nagbiyahe ang magkaibigan para magbakasyon together.

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong mga teens pa sila, at ngayon, lalong tumitibay at lumalakas ang kanlang pagsasamahan.

May mga anak na silang lahat, at ang kanilang group ay tinatawag nilang power of four.

2. Judy Ann Santos at Gladys Reyes

Tila BFF goals talaga ang dalawang mga batikan at beteranong mga aktres na ito na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Sila lang naman ang napakagaling bida at kontrabida na naging maging magkaibigan simula ng pinakasikat at pinag-usapang teleserye na nagsimula noong 1992 ang Mara Clara.

3. Julia Gomez at Claudia Barretto

Sila ang dalawang kilalang celebrity kids ng mga sikat na parents na sina Julia at Claudia.

Ang mommy ng kaka-18 pa lang na si Julia na si Lucy Torres ay nagbahagi ng throwback picture ng dalawa noong 13 years old pa sila.

4. Pia Wurtzbach and Pauleen Luna

Nagkasabay sa pagpasok ang magkaibigang Pauleen Luna-Sotto at Pia Wurtzbach, at hanggang ngayon ay matibay pa rin ang kanilang friendship.

Naging Mrs. Sotto na si Pauleen at 2015 Miss Universe na si Pia, ang kanilang friendship ay lalong tumatag at naging mas sweeter.

5. Ria Atayde at Coleen Garcia

Sina Ria Atayde at Coleen Garcia-Crawford pala ay magpinsan na naging BFF at sa katunayan, si Ria pa ang maid of honor sa kasal ni Coleen kay Billy.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, humarap sa press, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel