AFP, kinumpirmang may sabwatan upang mapatalsik sa pwesto si Pangulong Duterte

AFP, kinumpirmang may sabwatan upang mapatalsik sa pwesto si Pangulong Duterte

- Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) patuloy pa rin ang plano ng ibang grupo na patalsikin si Pangulong Duterte

- Ang nasalikod daw ng planong ito ay ang mga komunista at ang tinatawag na “Tindig Pilipinas”

- Pero naniniwala naman ang Palasyo na hindi magtatagumpay ang mga ito dahil marami ang sumusuporta kay Pangulong Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usap noon ang destabilization plot laban diumano kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi niya sa kanyang televised one-on-one interview kasama ni Atty. Salvador Panelo noong September 11, 2018 na marami ang may gustong paalisin siya sa kanyang pwesto.

Mas naging mainit ang usapang ito noong September 21, ang 46th anniversary ng martial law. Ngunit, wala namang nangyaring pagpapatalsik kay Pangulong Duterte matapos ang araw na iyon.

Nalaman ng KAMI na ayon naman sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay may mga communist groups ang nagsasabwatan para tuluyan na ngang patalsikin si Pangulong Duterte.

AFP, kinumpirma ang sabwatan upang mapatalsik sa pwesto si Pangulong Duterte

Photo from Telesur

Dagdag pa ng AFP ay tuloy raw ang “Red October” na plano ng mga komunista. Sa October ang buwan kung kailan ginugunita ang international day of communism. Kasama na rito ang paggunita kila Karl Marx at ng mga indigenous peoples (IP).

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa kay Brig. Gen. Antonio Paralade, kasama raw magplano ng Communist Party of the Philippines (CCP) sa pangunguna ni Jose Maria “Joma” Sison ang Tindig Pilipinas. Kasama raw ang member ng Liberal Party na si Vice President Leni Robredo at opposing Senator Antonio Trillanes rito. Ngunit itinanggi naman ng dalawa ang akusasiyong ito.

Giit naman ng Palasyo ay hindi mananalo ang people power laban kay Pangulong Duterte dahil mas marami ang taga-suporta ng Pangulo.

“Maraming gahaman diyan. Ang sagot lang namin, ‘Dream on’, kasi nga wala naman silang suporta ng taumbayan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa report ng ABS-CBN News.

Sa dating report ng KAMI ay base sa SWS survey, 78% ng mga Pilipino ang nagsasabing "satisfied" sila sa kampanya laban sa droga ni Pangulong Duterte. Kaya naman confident ang Palasyo sa suporta ng publiko sa Pangulo.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Sa ngayon ay hihilingin namin ang mga estranghero sa Pilipinas ng ilang mga nakakatawa na mga tanong na nakakalito sa Tagalog! Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Explainer: What are the flag protocols and why are they important?

Explainer: What are the flag protocols and why are they important?

Explainer: What are the flag protocols and why are they important?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel