10 Celebrity ex-couples na nagtagpo ang landas muli sa 2017 Star Magic Ball

10 Celebrity ex-couples na nagtagpo ang landas muli sa 2017 Star Magic Ball

Tinaguriang pinakamalakaing pagtitipon ng mga kumikinang bituin sa local showbiz sa bansa ang Star Magic Ball sa maraming mga taon.

At hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na sa ilang celebrity couples na ang ating nakilala at nagkahiwalay na konektado sa Star Magic talent o ABS-CBN.

Kaya naman hindi rin maiiwasan na magpang-abot o magtatagpo ang kani-kanilang mga landas muli, at ang Star Magic Ball ay isa sa lugar na hindi-hinding maiiwasan na lugar na mag-abot o magtagpo muli ang ex-couples na ito.

Ang iba sa kanila ay pumunta bilang isang free, single attendee habang ang kanilang kapares ay may bagong pag-ibig o both sa kanila ay pareho na ring may bagong mga minamahal.

Pero ito ang sampu sa pinag-uusapan na mga ex-couples sa showbiz na napag-alaman ng KAMI na pinagtagpo muli sa naturang event.

Unang naispatan namin ang naturang mga larawan sa ABS-CBN News.

Dahil na rin papalit na ang event ngayong September 29, 2018, kaya sisilipin natin kung sinu-sino ang mga kilalang ex-couples sa showbiz.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz

Naging mag-on umano sila John Lloyd at Angelica sa loob ng mahigit tatlong taon at napabalitang nagkahiwalay daw noong January 2016.

Sa 2017 Star Magic Ball event, ito raw iyong panahon na nilink na sila ni Ellen Adarna, kung saan daw kamakailan lang ay winelcomed nila ang kanilang unang anak, at si Angelica ay single pa rin ngayon.

2. Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz

Nagkahiwalay daw sina Shaina at John Lloyd noong 2012.

Simula noon nilink na ang pangalan ng aktres kay Piolo Pascual pero wala nama raw aminan o kumpirmasyon na nangyari.

3. Shaina Magdayao at John Prats

Naging mag-on umano sina Shaina at John Prats ng dalawang taon pero they called it quits daw noong 2009.

Si John naman ay masaya sa buhay may asawa kasama ang magandang misis na si Isabel Oli na magiging mom of two soon.

4. Heart Evangelista and John Prats

Mga teenagers daw nagdidate sina Heart at John Prats noong 2000.

At noong Star Magic 2017 ay kasama nila ang kani-kanilang mga spouses na sina Sen. Chiz Escudero at Isabel Oli, respectively.

5. Heart Evangelista at Jericho Rosales

Isa rin sa pinag-uusapan na relasyon noon ay ang kina Heart at Jericho pero nagkahiwalay umano sila noong 2008.

Ang dalawa ay pareho ng kasal, at si Jericho ay kinasal sa napakagandang model at Tv host na asawa na si Kim Jones.

6. Kristine Hermosa at Jericho Rosales

Isa sa pinakasuccessful na love teams noon sa showbiz ay ang EchoTin o Jericho at Kristine na kalaunan ay naging real.

Pero ngayon ay pareho ng masaya ang dalawa sa kani-kanilang pares o asawa.

Si Kristine ay masaya sa buhay misis kay Oyo Boy Sotto at mommy ng kanilang mga cuties.

7. Heart Evangelista at Daniel Matsunaga

Ang dating magsing-irog na sina Heart at Daniel Matsunaga ay nagkahiwalay daw noong 2012.

Habang kasama ni Heart ang kanyang mister si Senator Escudero, si Daniel naman ay kasama ang modelong kapatid na si Vanessa Matsunaga.

Ngayon, happy na rin si Daniel dahil napabalita dati ang kanyang Polish girlfriend.

8. Erich Gonzales at Daniel Matsunaga

Pinag-usapan ang hiwalayan nina Erich at Daniel Matsunaga sa simula noong 2017, na kalaunan ay kinumpirma ng aktres noong February.

Dumalo si Erich mag-isa habang kasama ni Daniel ang kanyang kapatid.

9. Maja Salvador at Gerald Anderson

Nagkahiwalay sina Maja at Gerald Anderson noong 2015.

At nong panahon na iyon ay dinidate na ni Gerald si Bea Alonzo.

10. Kim Chiu at Gerald Anderson

Ang Kimerald ay naghiwalay noong 2010.

At bali-balita na nagdidinate na sina Kim at Xian Lim.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel