Isang OFW sa Saudi, humingi ng saklolo sa ina

Isang OFW sa Saudi, humingi ng saklolo sa ina

-Isang overseas Filipino worker sa Riyadh KSA ang umiiyak na humingi ng saklolo sa ina dahil sinasaktan umano ito ng amo

-Ayon kay Alice dela Torre, Pebrero nitong taon ng lumipad sa ang anak na si Arlene sa Riyadh at normal naman umano ang sitwasyon nito noong una

-Hanggang nitong Miyerkules, tumawag na umano ang 28 anyos na anak upang humingi ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iyak nang iyak at namamaga ang mukha dahil sa pananakit ng amo na tumawag ang isang overseas Filipino worker sa Riyadh KSA sa kanyang ina nitong Miyerkules.

"Iyak nang iyak 'yon. Tapos nawalan naman ng signal, 'maawa kayo sa'kin, pauwiin niyo na ako,' sabi niya," ayon sa kwento ni Alice dela Torre, mula sa Dagupan City, Pangasinan, sa isang interview sa GMA News.

Bukod umano sa pananakit, ikinukulong at hindi rin pinapakain si Arlene ng kanyang amo doon. Sa isang litrato na ipinadala ni Arlene sa mga kaibigan, makikita ang pamamaga ng muka nito na dala ng papankit ng amo dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Siyempre masakit din kasi anak ko 'yon. Siya lang nakakatulong sa akin. Kaya magdamag, hindi ako nakakain sa pag-aalala sa kaniya," hinaing ni Aling Alice.

Nitong Pebrero lamang lumipad pa-Saudi si Arlene at namasukan bilang kasambahay. Normal naman umano ito at buwanan magpadala sa kanila hanggang sa tumawag na nga ito para magpasaklolo.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi nang Mayor ng Dagupan na si Mayor Belen Fernandez na nakipagugnayan na sila sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Tiniyak na rin ng PESO na aaksyunan nila ang kaso ni Arlene at handa rin ang siyudad na sagutin ang pagpapauwi sa OFW.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Ah, e… Vice?’ Ryan Bang wows netizens after dressing up as ‘Ate Girl’ in Miss Q&A Special Edition

‘Ah, e… Vice?’ Ryan Bang wows netizens after dressing up as ‘Ate Girl’ in Miss Q&A Special Edition

‘Ah, e… Vice?’ Ryan Bang wows netizens after dressing up as ‘Ate Girl’ in Miss Q&A Special Edition
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel