Babala sa mga kababaihan! Muntik daw mapahamak ang isang dalaga habang siya'y nagiisa sa mall

Babala sa mga kababaihan! Muntik daw mapahamak ang isang dalaga habang siya'y nagiisa sa mall

-Ilang kalalakihan umano ang umaligid at pilit pinasasama sa mga ito ang isang dalaga sa Farmers Mall sa Cubao

-Ayon sa kwento ng biktima, nilapitan at tinabihan pa siya ng 2 sa mga ito at sinabi pa umanong sumama siya sa mga ito

-Dahil sa karanasan, nagkaroon umano siya ng trauma dahil sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Anim na kalalakihan umano ang umaligid at sumunod-sunod sa isang dalaga sa Farmers Cubao. Ayon sa facebook post ni Rochel Villalon Adorna, nilapitan, tinabihan at pinilit umano siyang isama ng mga lalaking ito.

Nag-iisa umano siya sa mall dahil hinihintay niya ang mga kasama na kikitain sa mall na nabanggit, ayon pa dito, wala umano siyang dalang cellphone.

Napansin niya na lamang na umaaligid na sa kanya ang ilang lalaki ngunit naging alerto siya at pinilit na mag-isip sa kabila ng takot na nararamdaman.

Noong umupo umano ang dalaga, umupo din sa kanyang tabi ang dalawang lalaki habang nasa 4th floor umano ang isa pa na sumesenyas sa mga kasama.

Sa takot, umalis siya sa kinauupuan at naglakad muli. Nagulat na lang umano siya ng sabayan siya ng isa sa mga lalaki, iyong nasa 4th floor na sumesenyas sa 2 iba pa.

May mga sinasabi umano ang lalaki ngunit dahil sa pilit niyang iniignora ito ay hindi niya matandaan ang buong sinabi nito. Ang tanging tumatak lamang sa kanya ay nang sabihin nito na sumama siya sa mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa takot ng dalaga, pumasok umano siya sa loob ng isang fastfood chain (KFC) at doon hinintay ang mga kasamahan. Ngunit inaligiran na umano siya ng mga ito sa labas ng nasabing fastfood restaurant.

Sa kabutihang palad, ligtas naman ang dalaga at nagawa pa nitong makuhanan ang isa sa mga suspek.

Ilang netizens naman ang nagtanong sa dalaga kung bakit hindi umano siya gumawa ng hakbang laban sa mga ito. Ayon sa dalaga, kabado at takot na takot na daw siya ng mga panahong iyon kaya naman hindi na sila nakapagsumbong pa sa mga awtoridad.

Ilan sa mga netizens din ang nagsabi sa comment section ng facebook post na ito, naging biktima na rin sila ng mga kalalakihang ito sa parehong lugar.

Narito ang ilan sa mga pahayag ng ilang kababaihan sa facebook post:

Netizen: "ito yung sinasabi kong lumalapit sakin sa farmers... Bigla ko tumayo sa pagkakaupo then inirapan tas sumakay agad ng bus."

Netizen: "Ingat sa mga girls..naencounter q na din yang mga lalake jan before lalapitan ka nila dala dalawa pa dami nkatambay jan ..katakot"

Netizen: " nakita konabto.sa manhattan nag alok to sakin nang payong umuulan nun sbe nea hatid nea nadaw ako pero tinanggihan ko ung payong nea kahit sobrang lakas ng ulan kse iba ung pagkahawak nea sa balikat ko kaya tumakbo nalang ako hangang araneta"

Hangad ng KAMI ang kaligtasan ng bawat isa kaya naman magiingat po tayo sa mga ganitong insidente lalo na ang mga kababaihan, totoo man o hindi ang modus na ito.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel