Siya lang daw ang huli! Motorista nagreklamo sa 'di daw patas na MAPSA

Siya lang daw ang huli! Motorista nagreklamo sa 'di daw patas na MAPSA

-Isang motorista ang nagreklamo sa hindi umano pagiging patas ng Makati Public Safety Department o MAPSA

-Ayon sa motorista, hindi lamang siya ang may nilabag na batas trapiko, maging ang isang jeepney na nakuhanan niya ng video

-Ngunit siya lamang ang nilapitan ng mga MAPSA habang deadma ang mga ito sa jeepney na diumano ay nakapatong pa sa pedestrian lane habang naka-red traffic light

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang video na nireupload ng isang facebook page, nakuhanan ng isang motorista ang umano'y 'di patas na paghuli sa kanya ng Makati Public Safety Department o MAPSA.

Ayon sa motorista, na-ticket-an siya sa violation na hindi niya umano sinasadya. Ayon pa dito wala umanong digital timer ang spotlight sa lugar na iyon, kaya naman ang motorista ay kailanganng tantyahin ang pagtakbo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla umanong nagbago ng kulay ang green light nang siya ay saktong tumakbo na.

Inamin naman umano nito na hindi sinasadyang pumatong ang sasakyan sa pedestrian lane. Ngunit ang hindi umano nito matanggap ay tila hindi patas ang mga MAPSA sa panghuhuli sa mga lumabag na motorista.

Sa video, kitang-kita ang isang pampasaherong jeepney na talaga namang nakapatong na sa pedestrian lane habang nakahinto ang traffic.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa may dalawa pang MAPSA ang lumapit sa kanya kasama na ang head ng mga ito sa area at sinabi pa nito umano na dinuro-duro niya ang isang kasamahan na ayon sa uploader ay hindi totoo. Habang ang isang pang MAPSA ay sinabing huminto siya sa yellow box. Dito na tila nainis ang motorista dahil halata naman daw na hindi siya lumagpas man lang sa pedestrian lane.

Sa huli, tinanggap na lamang ng motorista ang ticket kahit pa ang balak niya ay magreklamo sa main office ng mga ito.

Kwento pa umano ng motorista, bigla na lamang pumara at nanghuli ang mga ito ng mga lumabag din sa traffic rules, hindi daw niya alam kung dahil ba sa nakuhanan niya ang mga ito ng video.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!

Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!

Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel