Trillanes, ipinakita ang mga affidavit para patunayang nag-apply siya ng amnesty

Trillanes, ipinakita ang mga affidavit para patunayang nag-apply siya ng amnesty

- Iprinesenta na ng kampo ni Sen. Antonio Trillanes ang mga patunay para sa kanyang amnesty application

- Base sa mga affidavit ay nag-apply at kompleto ang requirements ni Senador Trillanes noon

- Hanggang sa ngayon ay wala pa ring arrest warrant ang hinahain laban kay Senador Trillanes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsubmit na ang kampo ni Senador Antonio Trillanes IV sa Branch 148 at 150 ng Makati Regional Trial Court ang mga affidavit na magsisilbing ebidensya ng senador na siya nga ay nag-apply ng amnesty at kumpleto ang kanyang requirements noong 2010.

Nalaman ng KAMI na sa isang conference ay ipinakita na nila Trillanes ang affidavit nila Colonel Josefa Berbigal, commissioned officer of the Judge Advocate General’s Office at Honorio Azcueta.

Sinabi ni Berbigal sa kanyang affidavit na siya noon ang head ng secretariat ng Department of National Defense (DND) Ad Hoc Amnesty Committee noon at sila ang nagprocess ng application ng mga nag-apply para sa amnesty ng mga nakasaad sa Proclamation 75 na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“I know that Senator Trillanes filed his amnesty application because I was the one who personally received Sen. Trillanes' amnesty application [on] January, 5, 2011," sabi ni Berbigal ayon sa report ng GMA News.

Dagdag niya pa na unamin ngang guilty si Trillanes noon bago manumpa para sa kanyang amnesty application. Sinabi rin ni Berbigal na ang application ni Trillanes noon ay “in order” at “complete”.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman kay Azcueta, ang dating DND undersecretary at chairman ng Ad Hoc Amnesty Committee ay na sinunod ni Trillanes noon ang procedures para mag-apply ng amnesty na nakasaad sa Proclamation 75 at DND circular.

Sa dating report ng KAMI noong September 4 ay inilabas ang pinirmahang Proclamation 752 ni Pangulong Duterte kung saan sinabing invalid daw ang amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Senador Trillanes noon. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring warrant of arrest ang hinahain laban sa senador.

POPULAR: Read more news about Senator Trillanes here!

Sa ngayon ay hihilingin namin ang mga estranghero sa Pilipinas ng ilang mga nakakatawa na mga tanong na nakakalito sa Tagalog! Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel