Pagpapatugtog ng "Booom booom' sa viral na libing, bilin daw pala ng yumao
- Nag-viral kamakailan ang kakaibang libing na tila masaya ang mga nakikiramay
- Binilin pala ng yumao na huwag malungkot sakaling siya ay pumanaw na
- Tinupad ng mga kamag-anak ang bilin na nagresulta sa isang 'masayang' pamamaalam
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kamakailan lamang una nang naibalita ng ang tungkol sa naiibang paghahatid sa huling hantungan kung saan 'Booom booom' ng Momoland ang tugtog imbis na mga kantang pamamaalam.
Ampapansin sa video na masasaya ang mga nakikipaglibing. ang iba ay nakuha pang umindak indak habang pinatutugtog ang 'Booom booom'.
Naging agaw pansin ito sa social media dahil di raw maintindihan ng netizens kung sila ba ay makikiramay dahil samukhang masasaya naman ang mga tao roon.
Binigyan paliwanag ng pamilya ng yumao na nakilalang si lola Lourdes na binilin ng matanda na huwag malungkot sa kanyang pagpanaw.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sabi niya pag namatay ako walang iiyak, gusto ko masaya sabi niya, kaya ginawa nung anak niya 'yung balikbayang nasa Canada, ganun ang ginawa nila may musiko at banda at saka may kumakanta live,” kwento ng kamag-anak ni lola Lourdes na si Anabel Guevarra.
Kaya naman tinupad nila ito, at hangga't maaari ay makitang masasaya ang mga tao na naghatid sa huling hantungan ni lola Lourdes sa batangas. Katunayan maging ang nagmamaneho ng karo ay nakikiindak din.
Bukod sa Booom booom, pinatugtog din ang Totoy Bibo at Bulaklak at marami pang nakakaindak na mga tugtugin.
Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!
Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh