Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

- Kinumpirma na ng dating Vice President na si Jejomar Binay Sr. ang pagtakbo niya sa Kongreso

- Siya ay tatakbo bilang representative sa 1st district ng Makati City

- Inanunsyo na rin ni Makati Mayor Abby Binay ang pagtakbo muli sa susunod na eleksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo na ng kampo ni dating Vice President Jejomar Binay Sr. ang kanyang pagtagkbo sa Kongreso para sa darating na Halalan 2019.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Joey Salgado, ang spokesperson ni Binay, ay nais ng dating bise presidente na tumakbo upang irepresenta ang 1st district ng Makati.

“I am confirming that former VP Binay will run as Representative for the First District,” sabi ni Salgado sa isang phone call.

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Photo from Rappler
Source: Facebook

Noong 2016 ay hindi nagwagi si Binay sa pagka-Presidente at simula noon ay nagpahinga muna siya sa politika.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi na rin ni Makati Mayor Abigail “Abby” Binay na siya ay tatakbo muli sa susunod na eleksyon. Aniya, matagal na nakapagpahinga sa politika ang tatay nila ngunit suportado naman siya nito sakanyang desisiyon.

Malaki ang posibilidad na makalaban sa susunod na eleksyon ng dating Makati City Mayor na si Jejormar “Junjun” Binay Jr. ang bunsong si Abby Binay.

Kasalukuyan namang nasa Senado pa si Senator Nancy Binay, isa rin sa mga anak ni Jejomar Binay Sr. Nanalo siya sa eleksyon noong 2016.

Si Jejomar Binay Sr. ay nagsilbing bise presidente noon ni dating Pnagulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Tumakbo siya bilang presidente noong Halalan 2016 ngunit natalo siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

POPULAR: Read more news about Jejomar Binay here!

Sa ngayon ay hihilingin namin ang mga estranghero sa Pilipinas ng ilang mga nakakatawa na mga tanong na nakakalito sa Tagalog! Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking putol ang kaliwang hita, pinagpatuloy pa rin ang pagiging atleta

Lalaking putol ang kaliwang hita, pinagpatuloy pa rin ang pagiging atleta

Lalaking putol ang kaliwang hita, pinagpatuloy pa rin ang pagiging atleta
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel