PNP, handa magsampa ng kaso laban kay Drew Olivar ukol sa bomb scare post sa social media

PNP, handa magsampa ng kaso laban kay Drew Olivar ukol sa bomb scare post sa social media

- Nagpost sa social media noon si Drew Olivar ukol sa isang bomb scare sa EDSA noong September 21

- Ayon sa Pres. Decree 1727 ay ipinagbabawal ang pagkalat ng maling impormasyon ukol sa bomba o pagsabog

- Kaya naman handa nag PNP na magsampa ng kaso laban kay Drew Olivar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ay magsasampa sila ng kaso laban kay Pro-Duterte blogger Drew Olivar matapos nitong magpost ng isang bomb scare sa isang social media post.

Nalaman ng KAMI na sabi ni PNP Chief Albayalde sa Dobol B sa GMA News TV ay nilabag ni Olivar ang Presidential Decree 1727 kung saan nakasaad na ipinagbabawal ang pagkalat ng mga “malicious” at maling impormasyon ukol sa bomba o granada o kaya ano mang pasabog na magreresulta sa destruksiyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Olivar na, “Ay nakakatakot naman magrally sa Edsa, kasi may kumakalat na baka maulit daw ‘yung pagbomba kagaya ng Plaza Miranda! Kung ako sa inyo hindi na ako pupunta!”

Nagbigay naman ng public apology si Olivar. Sabi niya ay concerned lang daw siya sa safety ng publiko. Sabi niya pa, pinapaalalahanan lamang niya ang mga kapwa DDS niya na mag-ingat sa rally noong September 21. Hindi raw siya nakapunta sa rally dahil siya mismo ay natakot sa mga kumakalat na bomb threat.

Saad naman ng pulisya na kung mapatawang guilty si Olivar ay maaari itong makulong o bigyan ng fine. Dagdag naman ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar, kung may mga malalamang bomg threat ay dapat idiretso ito sa PNP at huwag na i-post sa social media.

Sa dating report naman ng KAMI ay binatikos rin si Drew Olivar dahil sa mapanuksong panggagagya nito sa sing language sa video na pinost ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Reactions of pranked people are priceless! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel