SWS Survey: Halos 80% ang ‘satisfied’ sa kampanya kontra droga ng Duterte administration

SWS Survey: Halos 80% ang ‘satisfied’ sa kampanya kontra droga ng Duterte administration

- Base sa SWS survey, 78% ang nagsasabing “satisfied” sila sa kampanya laban sa droga ni Pangulong Duterte

- Mas tumaas rin ang net satisfaction rate ngayon kumpara noong March 2018

- Ang net satisfaction rate naman ay mas bumaba sa Visayas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na lumabas noong Linggo ay 8 sa 10 na Pilipino ang nagsasabing “satisfied” sila sa “war on drugs” na pinapangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nalaman ng KAMI na nagsagawa ng survey ang SWS noong Hunyo 27 hanggang Hunyo 30 ngayong 2018. Ayon sa 78% ng 1,200 na respondents ay “satisfied” sila sa kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa. Subalit, ang 13% naman ay hindi satisfied at 9% ang undecided pa base sa net satisfaction rating na +65. Ang net satisfaction na ito ay mas mataas kumpara sa +64 net satisfaction rating noong Marso 2018.

Noong December 2016 naman ang naitalang pinakamataas na net satisfaction rating na +77 at pinakamababa naman noong September 2017 na +63 ang naitala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa report ng GMA News, dagdag pa ng SWS, na ang pagtaas ng net satisfaction sa war on drugs ay dahil sa pagtaas rin ng mga taga-suporta sa Metro Manila, Luzon at Mindanao kahit na bumaba naman ang suporta mula Visayas.

Ang net satisfaction sa Visayas ay bumaba ng 12 points mula +69 noong March 2018 sa +57 ngayong Hunyo. Samantala, tumaas naman ng 3 points sa Mindanao mula +81 noon sa +84 ngayon. 2 points naman ang tinaas sa Metro Manila at 5 points naman sa Luzon.

SWS Survey: Halos 80% ang ‘satisfied’ sa ‘war on drugs’ ng Duterte administration

Photo from GMA News Online
Source: Facebook

SWS Survey: Halos 80% ang ‘satisfied’ sa ‘war on drugs’ ng Duterte administration

Photo from GMA News Online
Source: Facebook

Sa dating report naman ng KAMI ay bumaba ang nagrereport na sila ay biktima ng krimen sa taon ngayon. Ayon sa SWS survey ay nabawasan ng halos 1.3% ang nabawas kaya naman proud na proud si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde rito.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Reactions of pranked people are priceless! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel