Ice Seguerra at Lisa Diño, excited na sa kanilang magiging anak through IVF

Ice Seguerra at Lisa Diño, excited na sa kanilang magiging anak through IVF

- Si Aiza Seguerra o kilala na ngayon bilang si Ice Seguerra ay nagbigay umano ng update sa kanilang baby plans ni Lisa Diño

- Ani pa raw ng singer-songwriter, excited na talaga sila at ginagawa na ito nila ngayon dahil hindi na sila mga bata pa at gusto din daw nila ma-enjoy ng parents niya ang baby nila soon

- Ngayon, inuumpisahan na daw ni Lisa ang unang proseso ng In Vitro Fertilization o mas kilala sa abbreviated tawag nitong IVF

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

February pa, early this year, nagbigay ng pahayag si Ice Seguerra at Lisa Diño tungkol sa kanilang baby plans pero ngayon, go na go na talaga.

Sabi nga ng singer-songwriter at always Eat Bulaga dabarkad baby na noong 2016 pa raw itong planong ito pero na usog ng usog, ayon pa sa ulat na nakuha ng KAMI sa media source.

They're not getting any younger na daw kaya dapat i-push through na ito nila at gusto rin daw ni Ice na ma-enjoy ng kanyang parents ang kanilang soon-to-be-apo.

Ayaw lang umano niyang masyadong pag-usapan dahil "baka maudlot pa," ayon pa sa panayam ng Push at ABS-CBN News sa singer-songwriter pagkatapos daw ng show nito sa Cebu City sa Echo Jam na may pamagat na "Greatest Hits: Originals and Covers" na kasama ang The Company.

Ani pa ni Ice Seguerra:

"Siyempre excited, matagal na namin na hinihintay yun e, 2016 pa hanggang sa naurong ng naurong ng naurong, so hopefully this time makapag bigay kami ng oras, kasi Liza and I are not getting any younger, siyempre gusto ko din na ma-enjoy ng parents ko."

Dagdag pa ng singer-songwriter:

"E nako mas excited pa nga sa amin e, ayaw ko muna talaga pag usapan hanggang wala pa kami doon talaga, alam mo yun siyempre baka maudlot pa."

Pagtatapos pa na bahagi umano ni Aiza Seguerra:

"I don't really care anymore as ong as na okay siya, lalaking healthy, mabait, maganda ang puso at mas matangkad sa akin walang problema (laughs)."

Ayon na nga ni Ice Seguerra, nag-uumpisa na raw si Lisa Diño sa IVF procedure at nasa unang proseso na raw siya nito.

Kamakailan lang ay binalita namin ang tungkol din sa "egg freezing" na kung saan ay ifrofrozen ang healthy eggs ng mga babae para magamit sa tamang panahon, kung kailan ready na siya magbuntis.

Once ready na, ayon pa sa mga eskperto, ay dadaan na ang babae sa prosesong tinatawag na In Vitro Fertilization o IVF.

Hindi lang sina Aiza at Lisa ang dumaan rito dahil marami na ring mga artista ang ginamit ang paraan na ito para magkaanak.

Ibinahagi rin namin dito ang mga adorable "test tube" babies ng mga sikat na celebs.

At ang huli nga nagbahagi nito ay si Vina Morales.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel