Dating 'car wash boy', Manager na ngayon! Diskarte at tiyaga lang ang puhunan

Dating 'car wash boy', Manager na ngayon! Diskarte at tiyaga lang ang puhunan

-Nakipagsapalaran sa Saudi si Francisco 'Bogs' Malbog bilang isang car wash boy ngunit dala ng pagiging pursigido at matulungin, nagkaroon ng bagong kaalaman ito

-Ito ang naging daan sa mas marami pang oportunidad sa kanyang buhay

-Isa ngayon si Bogs sa mga OFW na naging matagumpay sa hamon ng pakikipagsapalaran sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Edad bente pa lamang si Francisco Malbog o Bogs para sa nakakakilala sa kanya, nang siya ang makipagsapalaran sa Kingdom of Saudi Arabia. Namasukan siya doon bilang isang car wash boy.

Dahil sa dedikasyon, tumutulong siya sa mga kasamahan na mekaniko kapag siya ay mayroong libreng oras. At ito ang naging daan sa bagong kaalaman para sa kanya.

Makalipas ang 3 taon bumalik si Bogs sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang kontrata.

Taong 1994 nang siya ay mamasukan sa Al-Jazirah Ford Vehicles Agencies (Ford Dealer in KSA). Doon mas lalong nahasa ang kanyang kaalaman at mas nahinang ang bagong kakayahan bilang technician.

Ngunit dahil sa isang 'di inaasahang pangyayari sa kompanya, napilitan itong umuwi muli sa Pilipinas. Nanatili siya dito hanggang sa maresolba ang isyu sa kompanyang pinasukan. At nabigyan muli siya ng pagkakataon nang ang mismong may-ari ng kompanya ang kumuha sa kanya bilang empleyado nito.

Sa pagkakataong ito, nadestino siya sa Jeddah bilang technician at umangat bilang Workshop Controller matapos lamang ang ilang buwan.

Ngunit ang mas mataas na posisyon ay nangailangan ng mas mataaas na kakayahan kaya naman nagpasya siya na mag-aral ng computer skills na itinuturo ng mga kapwa Pilipino sa Philippine Embassy doon.

Ayon pa sa kanya mas nadagdagan ang kanyang kaalaman nang siya ay mag-aral at naging dahilan pa ito para mas umunlad ang kanyang karera.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taong 2002, bumalik muli si Bogs sa Pilipinas at kasama ang kanyang asawa ay nagtayo sila ng negosyo na hanggang ngayon ay nasa maayos pang pagtakbo. At nakapagpatayo na rin sila ng sarili nilang bahay.

Makalipas ang isang taon, swerteng napasok si Bogs sa Ford Alabang bilang Assistant Service Manager. At dahil sa kaalaman na hinasa na ng panahon naging matagumpay siya sa trabahong napasok.

Nang malaman ng dating amo sa Saudi ang kanyang trabaho sa bansa at ang kanyang 'di matawarang tagumpay rito, muli siyang inalok nito bilang Manager sa Ford KSA at agad naman niya itong tinanggap.

Ang kanyang mensahe para sa lahat ng katulad niyang OFW, maging praktikal at isagawa ang anumang pangarap na hinahangad. Isipin kung ano ang nais sa buhay para sa hinaharap.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik

Grabe naman! Sam Milby, nakakatanggap umano ng "death threats" dahil sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel