Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

-Nalapnos ang ilang bahagi ng katawan ng isang babae matapo0s siyang paliguan umano ng gasolina at sindihan gamit ang isang lighter ng sarili nitong asawa

-Maging ang isang anak nilang dalagita, nadamay sa insidente matapos nitong tulungan ang ina

-Kasalukuyan pang pinaghahanap ang suspek habang ang biktima ay kritikal ang lagay sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kritikal ang lagay at lapnos ang iba't-ibang bahagi ng katawan ng isang babae sa Pampanga matapos siyang buhusan ng gasolina at tsaka sindihan ng asawa sa kanilang tirahan.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang suspek ay kinilalang si Roman Timbol Lacsana na pinaghahanap na ng mga Pulis.

"Sinindihan po siya ng lighter," ayon kay SPO2 Marian Trinidad ng Angeles City police. "Habang nasusunog pa 'yug biktima, nagawa pa po siyang pagsuntuk-suntukin sa mukha, pagsipa-sipain,"

Maging ang dalagitang anak ng babae na pinangalanang 'Joana' ay nadamay pa matapos subukang iligtas ang ina.

"Ang ginawa daw ng anak niya, binuhusan daw siya ng tubig, tapos 'yung mga basang damit, niyakap sa nanay niya," kwento naman ng kapatid ng biktima na si Janet Catacutan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa kwento ni Janet, 8 buwan na umanong hiwalay ang kapatid at ang suspek na asawa nito. At Nitong Lunes na binisita ni Joana ang kanilang mga anak sa kanilang bahay. Sa bahay ni janet pansamantalang naninirahan ang biktima.

Ngunit hindi pala ito ang unang beses na sinaktang ng suspek si Joana.

"Dahil po nung nakaraang taon, may insidente ng pananaga, kaya lang po hindi sila nagreklamo dahil nga po binigyan pa po niya ng isa pag pagkakataon," ayon sa ulat ni SPO2 Trinidad.

Haharapin ni Lacsana ang kasong frustrated murder in relation to violence against women and their children.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel