Hashtag missing dabarkad! Netizens hinahanap si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga

Hashtag missing dabarkad! Netizens hinahanap si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga

- Matagal ng hinahanap ng mga netizens at avid television viewers ng Eat Bulaga ang mister ng reyna ng mga soap operas na si Ryan Agoncillo

- Nakakamiss naman talaga pag may isang host na nawawala o hindi na nakikita sa ating mga paboritong TV show, at tila ito na nga ang nangyari sa TV host

- Pinasilip ng Kapuso ang iilang mga pictures kung saan ang dabarkad ngayon, ayon na rin sa mga social media pictures nila ni Juday

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matagal na ngang hindi nakikita o napapanood si Eat Bulaga dabarkad Ryan Agoncillo, kaya naman maraming mga netizens ang nagtatanong kung nasaan na nga ba siya.

Spotted ng KAMI ang feature story tungkol sa kanya.

Ani pa ng GMA News Online, noong 2009, unang nag-umpisa mag-host si Ryan Agoncillo sa longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.

Dagdag pa sa balita, noong magdiwang daw ang longest running television show ng kanilang 39th anniversary kamakailan lang ay marami raw ang nakapansin na matagal na umano na hindi napapanood ang TV host sa show.

Kaya nagtatanong raw ang karamihan sa mga netizens kung nasaan ang EB dabarkad.

Noong August daw ngayong taon, nagsalita na raw ang misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos tungkol sa pagkawala ng kanyang mister sa show.

Ayon umano sa reyna ng teleseryes na kailangan muna daw magpahinga si Ryan sa showbiz para makapag-focus sa kanyang therapy.

Kung matatandaan daw unang nawala pansamantala si Ryan Agoncillo sa show noong 2017 dahil sa operasyon sa tuhod pero napabagal daw ang recovery ng TV host kaya kailangan na raw na sumailalim sa intensive therapy.

Ngayon, naka-focus Ryan Agoncillo sa pamilya nila ni Judy Ann Santos, at ngayon, hindi pa alam kung kailan talaga makakabalik ang TV host sa Eat Bulaga.

Sa nakikita sa kanilang Instagram account ay they're spending more time together traveling.

POPULAR: Read more news about Ryan Agoncillo here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react

Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react

Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel