Dalahin ni Lablab, ilang taon nang nagpapabigat sa kanyang buhay

Dalahin ni Lablab, ilang taon nang nagpapabigat sa kanyang buhay

-Isinilang na may malalaking paa si Lablab, na ayon sa paniniwala ng kanyang ama ay ipinaglihi kay Donald Duck

-Mula din sa kwento ng kanyang mga magulang, may kakambal diumanong palaka ang dalaga

-Ngunit ano pa man ang mga 'haka-haka', ayon naman sa isang espesyalista, maaaring maoperahan si Lablab at makakilos bilang normal na dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isinilang na may malalaking paa umano si Lablab, ayon sa kanyang mga magulang. Ngunit higit daw nilang napansin ang hindi normal na paglaki ng mga ito noong siya ay 6 na buwan pa lamang.

Mula sa paniniwala ng kanyang ama, ipinaglihi umano si Lablab ng kanyang ina kay 'Donald Duck'. Kwento ng ama ng dalaga, palagi daw hinahanap-hanap ng kanyang misis ang stuff toy na pato noong ipinagbubuntis si Lablab.

Isa pang paniniwala ng mag-asawa, noong ipinanganak daw si Lablab, diumano'y, may palakang palaging lumilitaw sa kanilang higaan. Na pinaniwalaan nilang kakambal ng kanilang anak.

Pero hindi lamang malalaking paa ang pabigat kay Lablab, maging ang kanyang nakaliyad na pustura. Meron ding mga bukol sa tiyan at likod ang dalaga.

Masakit para kay Lablab na lumalaki siya na hindi magawa ang normal na gawain ng isang normal na dalagang katulad niya. Naging tampulan na rin umano siya ng tuksuhan. At dahil sa mabigat na pasanin, napilitan nang huminto sa pag-aaral si Lablab.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ng nanay niya, ninais umano ni Lablab na namatay na lamang siya noong siya ipinanganak, sa hirap na kanyang pinagdadaanan.

At kung masakit para kay Lablab, mas masakit ito sa kanyang mga magulang.

At tila dininig ng Panginoon ang kanilang mga panalangin. Nitong Linggo lamang, naitampok sila sa programang 'Kapuso Mo Jessica Soho' at naipasuri si Lablab sa mga espesyalista.

Ang sakit pala nito, 'Macrodactyly', isang uri ng gigantism. At salamat sa Diyos, dahil na-ooperahan naman daw ang ganitong sakit.

Malaki ang pasasalamat ng pamilya ni Lablab dahil naliwanagan sila na maaari palang gumaling si Lablab at mamuhay ng normal tulad ng nais nito.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ikaw na! Jessy Mendiola, kering-keri ang lava walk, live slo-mo turn ni Catriona

Ikaw na! Jessy Mendiola, kering-keri ang lava walk, live slo-mo turn ni Catriona

Ikaw na! Jessy Mendiola, kering-keri ang lava walk, live slo-mo turn ni Catriona
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel