107 na tao, hinihinalang na-food poison raw sa feeding program ng De La Salle Zobel

107 na tao, hinihinalang na-food poison raw sa feeding program ng De La Salle Zobel

- Feeding program ang tinuturong dahilan daw ng pagka-food poison ng 107 na katao

- Bandang alas tres ng hapon ng Setyembre 22 nang isugod sa ospital ang mga taong na-food poison

- Estudyante at mga guro ang biktima ng feeding program na inorganisa ng De La Salle Santiago Zobel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa 107 na katao ang sinugod sa Ospital ng Muntinlupa dahil sa hinihinalang food poisoning.

Nalaman ng KAMI na ang mga nabiktima ay mula sa Sitio Makabuhay, Barangay Poblacion, Muntinlupa kung saan sinagawa ang feeding program.

Pare-parehong nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, at pagsusuka ang mga psyente.

Ang mga taong ito ay mga benefciaries umano ng feeding program na inorganisa ng De La Salle Santiago Zobel.

Napauwi naman na ang karamihan sa mga payente ayon kay Dr. Edwin Dimatatac, chief of hospital ng Ospital ng Muntinlupa.

Kumuha na rin ng sample mula sa mga pagkaing hinain sa feeding progrma upang ma-eksamin ng Food and Drug Administration.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pati ang mga rectal sample ng pasyente ay nakuha rin upang maipa-test naman sa Research Institute for Tropical Medicine.

Sinisiguro rin ng City Health Office na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon dito.

Alam naman daw ng mga hinihinalang na-food poison na aksidente ang nangyare kaya naman wala silang balak magreklamo.

Samantala, sakaling positibo sa maling paghahanda ang organisasyon na siyang naghanda ng pagkain, sasailalim ito sa isang seminar.

Humihingi naman ng paumanhin ang mga pamunuan ng De La Salle Santiago Zobel School sa di inaasahang kaganapang ito.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel