OFW sa KSA, maaring makulong matapos magsilang ng bunga ng bawal na relasyon

OFW sa KSA, maaring makulong matapos magsilang ng bunga ng bawal na relasyon

- Nanganak ang isang OFW na tinago sa pangalang Dina sa KSA

- Malaki raw ang posbilidad na makulong ito dahil sa ang anak ay bunga ng bawal na relasyon

- Mahigpit na pinagbabawal sa KSA ang pagsasama ng ng di naman mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hunyo 28 pa raw nang manganak ng palihim ang OFW na tinago sa pangalang Dina. Dahil sa wala siyang sariling kwarto, nailabas niya ang kanyang anak sa kwarto ng inaalagaan niya.

Nalaman ng KAMI na nakita umano ng 8 taong gulang niyang alaga ang nagaganap na agad na nagsumbong sa kanyang mga magulang.

OFW sa KSA, maaring makulong matapos magsilang ng bunga ng bawal na relasyon

Tinulungan naman agad ng kanyang amo si Dina at tumawag ng ambulansya upang maputol ng maayos ang pusod ng sanggol.

Ayon sa ulat ng GMA news, mayroon umanong lihim na relasyon si Dina sa isang Pakistani at lihim din itong nakikipagkita rito. Di nila inaaasahan na magbubunga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasamaang palad, mahigpit na pinagbabawal ang pagkakaroon ng anak o pagsasama ng dalawang indibidwal kung di pa sila kasal.

Bagaman at di naman daw nagsampa ng kaso ang mga amo ni Dina, Maari naman siyang sampahan ng kasi ng pulisya roon.

Samantala, pinaghahanap na rin ang Pakistani na ama umano ng anak ni Dina.

Tumagal din ng isang biwan si Dina habang inaasikaso ng konsul ang kanyang sitwasyon.

Nasa bahay kalinga na siya ngayon at ang kanyang anak upang sila ay mabigyan ng kalinga at suporta na rin dahil sa pagpapatawag ng mga pulis ukol sa kanyang kaso.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel