Flight attendant, sibak sa trabaho matapos mag-propose ng nobyo nito sa flight

Flight attendant, sibak sa trabaho matapos mag-propose ng nobyo nito sa flight

- Nasibak ang isang flight stewardess nang magpropose ang kanyang nobyo sa kanya sa kalagitnaan ng isa sa kanyang mga flight

- Nag-viral ang video noon pang Mayo ngunit nito lamang Setyembre nabalitang nakatanggap ang flight attendant ng letter of dismissal

- Hindi raw naging makatarungan ang basta na lamang pagsisante sa flight attendant, gayung wala naman daw nasaktan habang sinasagawa ang proposal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauwi sa isang bangungot ang isang napakaganda sanang wedding proposal na ginawa ng nobyo sa kanyang girlfriend na isang flight attendant sa isa sa mga flight nito.

Nalaman ng KAMI na noong Mayo pa nag-viral ang video na kuha mismo sa isang flight ng China Eastern Airlines.

Ayon pa sa Inquirer.net, gumamit pa raw ang flight attendant ng in-flight announcement system upang pasalamatan ang mga pasahero na nakasaksi ng marriage proposal at nagsipagpalakpakan naman daw ang mga ito.

Ngunit di inaasahan ng flight attendant na iyon pala ang magiging mabigat na dahilan upang siya ay matanggal sa trabaho.

Kamakailan lamang, sa balitang pinalabas noong Setyembre 12 sa Singapore TV, naiulat na pinadalhan umano ng dismissal letter ang flight attendant. Ito ay dahil umano sa "pang-iistorbo" at maaring maging mitsa pa ng kung anumang di magandang maari raw mangyari sa mga pasahero habang sinasagawa ang proposal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, di raw ito makatarungan ayon sa ilang netizens, lalo pa at wala namang naiulat na nasaktan o nagreklamo matapos mailbas ang proposal na ito. Ang iba naman ay nagsasabing magsilbing aral daw ito sa iba na ang mga ganoong klaseng kaganapan ay dapt isinasagawa nalang ng pribado.

Paliwanag naman ng China Eastern Airlines, ang ganoong klaseng kaganapan ay maaring magdulot ng pag-alis ng ilang mga pasahero sa kanilang kinauupuan, maaring upang makita at makioosyoso sa kaganapan, o magvideo pa nito. Dahil dito, maaring makapekto raw ito sa balanse ng eroplano at sa air flow nito.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel