Naka-rugby daw! Mga batang hamog, sumampa sa taxi sa Edsa Makati at nambulabog

Naka-rugby daw! Mga batang hamog, sumampa sa taxi sa Edsa Makati at nambulabog

- Dalawang batang hamog ang nakunan ng video na sumampa sa taxi sa Edsa Makati

- Sinubukang sitahin ang dalawang bata ngunit pinagdidiskatahan din nila ang mga naninita sa kanila

- Pangatlong beses na ang insidente na ito na naibalitang kinasangkutan ng mga batang hamog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakagigimbal ang isang pangyayari na kinasangkutan na naman ng mga batang hamog kung saan nakunan silang sumampa sa isang taxi at doon nanggulo ng iba pang motorista.

Ayon pa sa GMA news, nakababahala pa lalo dito ang hawak na supot ng dalawang bata na hinihinalang may laman na rugby.

Di lamang sumapa at umupo ang dalawang bata, niyuyugyog pa nito ang taxi at nagpalipat-lipat pa ng sasakyan. Pag sinisita ito, nagagalit pa raw ang dalawa na animo'y sila pa ang matapang.

Kalaunan, pinabayaan na almang daw ng taxi driver ang dalawa upang di na lalo pang manggulo at maging dahilan pa ng lalong matinding traffic.

Di ito ang unang pagkakataon na nanggulo ang mga batang hamog. Sa naunang report ng KAMI na gawa pa ng isang grupo ng batang hamog na mangkaladkad ng matandang lalaki mula sa loob ng jeep, palabas. Makikitang nasaktan ang matanda at pilit na inaagaw ng mga batang hamog ang hawak nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa MMDA, ibayong pag-iingat ang dapt na gain ng mga motorista lalo pa at sumapit na ang 'ber' month, hudyat na malapit na ang kapaskuhan.

Sa mga buwan kaksing ito, nagiging talamak ang krimen tulag ng holdapan dahil sa alam nilang naglalabas ng pera ang mga tao lalo pa at nalalapit na ang kanilang bonus.

Sa kasong ito, malaki ang posibilidad na maging ang mga batang hamog na ito ay magamit din upang makagawa ng krimen dahilan sa di basta bastang makukulong ang mga ito.

Nagbigay paalala rin ang MMDA spokesperson na si Celine Pialagonna sakaling makakita ng insidrnteng kinasasangkutan ng mga batang hamog, huwag na raw itong komprontahin, sa halip, tumawag at ipagbigay alam na lamang daw ito sa MMDA sa kanilang hotline 136.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel