Driver ni Alex Gonzaga, isiniwalat ang generous heart ng Gonzaga family

Driver ni Alex Gonzaga, isiniwalat ang generous heart ng Gonzaga family

- Kamakailan lang ay bumisita ulit ang isa sa mga Gonzaga sissums na si Alex Gonzaga ito ay para na rin sa kanyang pelikulang Nakalimutan Kong Kalimutan Ka

- Dito ay pinakilala sa publiko ang driver niya na 8 years na nagmamaniho sa kanya at lumalabas na rin sa kanyang viral vlogs sa YouTube

- Si Ed 'Daboy' Guillermo ay nagpahayag sa mabuting kalooban ng Vlog Superstar at isiniwalat ang kabutihang puso ng mga Gonzaga family bilang isang employer

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung nakita niyo ang nagviral na video ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel sa "Paano ba magmove-on?" ay nagpakita doon si Daboy na umaarte bilang ang ka-Tinder ng Vlog Superstar.

Ngayon, pinakilala na sa publiko sa pamamagitan ng Magandang Buhay na siya pala ang driver ni Alex Gonzaga, at 8 years na siyang nagmamaniho sa huli.

Sa nasabing show nalaman ng KAMI na driver pala siya una ng daddy nina Toni at Alex na kilala sa showbiz bilang si Daddy Bonoy na ibinigay ng huli sa bunso niya para siyang magdrive sa kanya.

Dito ibinunyag ni Daboy kung gaano ka buti ang puso ni Alex Gonzaga at lalong lalo na ang buong Gonzaga family.

Ani ni Daboy:

"Yung tinitirhan ko sa kanila (Gonzaga family) din po. Libre bahay po sa kanila."

Kitang kita naman sa hitsura ng Magandang Buhay hosts na namangha rin sila sa ibinulgar ni Daboy.

Dugtong ni Alex:

"At tsaka lageng sinasabi ng Mommy ko dapat lahat ng mga katrabaho mo o nagtatrabaho sa iyo dapat habang nag-iimprove ang buhay mo, nag-iimprove din sila. Kasi dapat yung success mo shinishare. So, kung hindi nag-iimprove yung mga katrabaho mo, ikaw lang ang nag-iimprove parang pagiging selfish."

Kaya naman hindi nakapagpigil at napacomment ang mga netizens sa kabaitan ng Gonzaga family.

"No wonder Gonzaga Family is blessed!"
"hindi ako kapamilya pero bet ko ang ugali ni alex at toni.."
"Talagang maganda ang pagpapalaki ng magulang sa Gonzaga sisters. Love you Alex G"
"Ang bait pala ng GONZAGA family"
"Awww naiiyak ako ang bait ni Alex xaka ng family nya at ni Daboy. God bless! Sana lahat ganyan"

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex.

Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017.

Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

POPULAR: Read more news about Alex Gonzaga here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel