"Perfect?!" Pokwang sa kanyang mga "haters" sa social media

"Perfect?!" Pokwang sa kanyang mga "haters" sa social media

- Ani pa sa balita, idinaan na lang umano ni Pokwang sa kanyang Instagram ang mensahe niya sa kanyang mga "haters" na bumabatikos sa kanya dahil sa naunang post niya

- Ito raw ay kinasasangkutan ng baby girl niya na si Malia na diumano'y pinintasan ang pagsasayang ng cake daw ng 8-month old na bata

- Kaya naman tila bumwelta ng isang IG post sa Kapamilya star sa mga "nagmamatalino" na mga netizens online

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman namin ang trending Instagram post ni Pokwang na dedicated sa kanyang mga kritiko na tila lahat nalang na ginagawa o pinopost ng Kapamilya star ay pinupuna.

Naispatan nga ng KAMI ang naturang post na nai-post ni Pokwang noong Martes, September 18, at dito isang image na may mensahe na nagsasabing:

"Dear haters, don’t criticize me for my flaws and mistakes, when you can’t even see your own."

At nagcaption ang komedyante at aktres na "Perfect??????"

Una naming nakita ang balitang ito sa PEP.

Ani pa sa balita, nag-ugat raw ito sa isang video, kung saan ipinagdiriwang niya ang 8-month-old birthday ng anak na si baby Malia.

Sa naturang video ay makikita na pinaglalaruan ni baby Malia ang kanyan cake.

Dahil dito marami raw mga netizens ang todo react at ika nga ni Pokwang "nagmamatalino" na tila parang ang anak lang niya ang gumawa nito.

May isang netizen naman na nagtanggol kay Pokwang at sinabing:

“Ang hirap kasi maraming makikitid ang utak"

At sumang-ayon naman si Pokwang:

“Marami kasing nagmamatalino para bang anak ko lang ang unang gumawa non sa buong mundo!”

Kamakailan ay ibinalita namin rito ang all-smile at napakasayang baby Malia na naglalaro sa kanyang birthday cake.

Si Pokwang ay isang Star Magic Artist ng Kapamilya network na naihilera sa mga magagaling na komedyante at aktres.

Mayroon siyang dalawang magagandang babaeng mga anak na sina Ria Mae Subong at Francine Malia O'Brian, at mister naman niya si Lee O'Brian.

POPULAR: Read more news about Pokwang here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Controversial housemate Ali Abinal now exits PBB; receives hate comments from netizens

Controversial housemate Ali Abinal now exits PBB; receives hate comments from netizens

Controversial housemate Ali Abinal now exits PBB; receives hate comments from netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel