Pasahero, nilibre sa Jollibee ang 83 taong gulang na taxi driver

Pasahero, nilibre sa Jollibee ang 83 taong gulang na taxi driver

- Nag-viral ang post ni Christian Flores tungkol sa 83 taong gulang na taxi driver

- Inaayawan daw ang taxi driver ng ilang pasahero dahil sa kanyang edad

- Sa labis na paghanga ni Christian sa driver, nilibre pa niya ito at dumaan sila drive thru

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen na si Christian Flores kung saan nakasakay ito ng taxi na 83 taong gulang na ang driver.

Ayon sa post ni Christian, pagkasakay daw niya ng taxi, agad na nagpasalamat ang lolo na driver. Kwento kasi ng matandang tsuper, ang ilang pumapara sa kanya ay tumatanggi na pag nakikita na siya ang driver.

Nalaman ng KAMI na dahil sa sinabi ng driver, tila nadurog ang puso ni Christian. Para palakasin ang loob ng driver, sinabi niya rito na "hindi po tay ha magaling pa rin po kau mag drive... ilang taon ka na po ba?" at sinabi nito ang kanyang edad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At para mas lalong matuwa naman kahit paano ang tsuper, pinaliko ni Christian ang taxi sa drive-thru ng Jollibee at binili niya ang driver ng pagkain. Nilabas naman ng driver ang senior ID nito upang maka-diskwento.

Sa panapos ng post, umaasa raw si Christian na magkikita pang muli sila ng driver na tinawag na niyang "Tay". Napakaswerte raw ng pamilya ng lolo na driver sa sipag nito, at sa kanyang edad ay nagagawa pa nitong tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel