Habal-habal driver, nagsauli ng wallet at di tumanggap ng pabuya

Habal-habal driver, nagsauli ng wallet at di tumanggap ng pabuya

- Sinauli ng habal-habal driver na si Job Ocampo ang napulot niyang wallet sa may-ari

- Si Job na mismo ang nagtungo sa kinaroroonan ng may-ari at di pa ito tumanggap ng anumang pabuya

- Labis na hinangaan si Job sa kanyang ginawa at sana raw ay pamarisan ang kabutihan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakataba ng pusong malaman na mayroon pang mga taong may tunay na malasakit sa kanyang kapwa na walang hinihinging kapalit.

Tulad na lamang ng karanasan ng netizen na si Harry Bill Dela Fuente na binahagi niya sa facebook.

Sinimulan niya ang post sa mga katagang "THE. FACE. OF. A. TRUE. FILIPINO" at makikita ang larawan ni Job Ocampo, ang habal-habal driver na nagsauli ng wallet ni Harry.

Napag-alaman ng KAMI na nakatanggap daw ng tawag ang kapatid ni Harry at tinatanong nito kung nawalan ba ito ng wallet. Nang tingnannga ni Harry ang bag, wala nga ang wallet niya.

Iyon pala, ang habal-habal driver na si Job ang tumawag sa kapatid ni Harry upang ipagbigay alam dito na napulot niya ang wallet nito at balak niya itong isauli.

Binigay na lamang ng kapatid ni Harry ang impormasyon nito Job upang diretsang makausap ito.

Si Harry na sana ang pupunta sa habal-habal driver upang makuha ang wallet, ngunit nagprisinta ang driver na siya na lamang ang pumunta sa kinaroonan ni Harry.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nasa Pasay ang driver at nagtungo sa Makati na kung nasaan ang opisina ni Harry. Labis na natuwa ang may-ari ng wallet at sinubukan niyang abutan ng kaunting halaga ang driver sa pagsasauli ng wallet at siya pang pagsadya nito sa kanya.

Laking gulat ni Harry nang di tanggapin ni Job ang inaabot nito at sapat na raw na maibalik ang wallet na naglalaman ng mahahalagang gamit ni Harry. Pinilit pa rin ito ni Harry at nakiusap na magkaroon sila ng larawan na magkasama.

Ito raw ang patunay na marami pang mabubuting tao sa ating bansa, kaya naman huwag tayong mawawalan ng pag-asa.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel