Bilang pasasalamat! Pinay OFW, niregaluhan ng bahay at lupa ng amo
- Niregaluhan si Dina Tenerife Celo ng kanyang Emirate na amo ng bahay at lupa
- Ito ay bilang pasasalamat daw sa pag-aaruga ni Dina sa pamilya ng amo
- Bukod s bahay at lupa, binigyan s Dina ng malaking halaga mg amo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Masasabing napaka-swerte na ni Dina Tenerife Celo na isang OFW. Nabiyaaan siya ng napakabuting amo na siyang tumupad ng ilan sa kanyang mga pinapangarap.
Nalaman ng KAMI na bilang pasasalamat sa pag-aaruga ni Dina sa pamilya ng kanyang amo na na si Melissa McPike, niregaluhan siya ng mga ito ng bahay at lupa.
Inalagaan ni Dina ang mga anak ni Melissa mula 1998 hanggang 2000. Ngunit, sadyang mabuti si Dina kaya naman kinuha muli siya ng pamilya ni Melissa.
Malapit na talaga si Dina sa pamilya ni Melissa lalo na sa mga anak nito na ang tawag pa sa kanya ay Aunty.
Ayon pa sa amo ni Dina, sadyang mapapagkatiwalaan ito at isang halimbawa na lamang ay ang pag-iiwan niya mismo ng debit card niya kay Dina. Tinuring na rin talaga nila ito bilang bahagi ng kanilang pamilya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sasamahan pa raw ng anak ni Melissa na si Saeed Al Muhairi si Dina upang magabayan ito sa pagpapatayo ng bahay.
Nangako naman si Melissa na dadalaw sa Pilipinas pag natapos na ang regalong bahay para kay Dina.
In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh