Dating 'The Voice Kids' contestant, pinapag-aral pala ni Coach Lea Salonga

Dating 'The Voice Kids' contestant, pinapag-aral pala ni Coach Lea Salonga

- Ang world class performer na si Lea Salonga ay isang tunay na tunay na class act dahil may tinutulungan pala siyang dating mentee niya sa pag-aaral

- Pinahayag ng dating The Voice Kids contestant at ngayon ay child actor na na si Noel Comia Jr. ay binahagi ang pagtulong na ginawa ng kanyang dating coach na si Lea Salonga

- Tila hindi lang mentor sa kantahan o talento ang ginawa ng world class artist dahil pinapag-aral pala niya ang kanyang dating mentee sa contest

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binahagi nga ni Noel Comia Jr. isa sa mga contestants ng 2016 The Voice Kids ng Kapamilya network at coach na rito ay ang World Class Performer na si Lea Salonga.

Matalaga na tapos ang naturang singing competition pero napag-alaman ng KAMI na may komunikasyon at koneksyon pa pala si Noel sa kanyang coach Lea dahil ito nga ang nagpapa-aral sa kanya.

Una naming naispatan ang balita sa PEP.

Simula na sabi ni Noel:

"Nag-aaral po ako sa O.B. Montessori Center sa Greenhills. Scholar po ako ni Miss Lea Salonga. Nalaman niya na gusto kong mag-aral sa O.B.Montessori kaya pinag-aral niya ako."

Ani naman sa balita, si Lea ay isa sa famous alumni ng naturang school, at patuloy na pahayag ng child actor:

"Coach ko po siya sa The Voice Kids Season 3 at nakatrabaho ko siya sa isang musical play. Last year lang po ako nagsimula na scholar ni Miss Lea. Lahat po, sagot niya. Ang mommy po ni Miss Lea na si Tita Ligaya ang kausap ko.Nakikipag-communicate po siya sa foundation ng school para sila ang magbubuo ng mga scholar."

Dagdag pa niya:

"Dahil sina Miss Lea at Tita Ligaya ang mga sponsor ko, parang may influence na po ako ng show business kaya naiintindihan na po ng school administration kapag mag-a-absent ako ng certain days."

Nasa grade 8 na daw ang batang aktor at singer at umaasa pa rin umano siya na magiging scholar pa rin siya ni Lea Salonga hanggang makatapos siya ng high school.

Sumali rin siya sa I can See Your Voice, at magaling na batang aktor sa pelikulang Kiko Boksingero.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel