May umaapela! Cedric Lee, Deniece Cornejo kinikuwestion ang guilty verdict sa kanila

May umaapela! Cedric Lee, Deniece Cornejo kinikuwestion ang guilty verdict sa kanila

- Kinuwestiyon ng kampo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo ang naging desisyon ng judge

- Nais nilang matanggal diumano sa judiciary ang judge na nagbaba ng hatol na guilty sa kanila

- Ito ay hinggil sa kasong grave coercion na isinampa ng kampo ng aktor na si Vhong Navarro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihayag ng kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo ang kanilang pagnanais na matanggal si Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Metropolitan Trial Court. Ito ay dahil sa diumano’y maling pagbababa ng hatol hinggil sa kasong grave coercion, ayon sa ulat ng Inquirer.net.

Ito ay kaugnay sa kasong isinampa sa kanila ni Vhong Navarro dahil sa insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece.

Matapos ibaba ang desisyon ay agad nagsumite ng motion for reconsideration ang kampo nila Lee para matanggal ang kaso kay Judge Bernal.

Itinuro din nila ang diumano'y kakulangan ng judge, “wrong appreciation of the facts, laws and evidence surrounding the case manifests his gross ignorance of the law, grave abuse of authority, and extreme bias and partiality, thus leading to an unjustified judgment of convicting [Lee and Cornejo].”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nilabag umano ni Judge Bernal ang Judicial Conduct dahil sa pagtanggap nito ng testimonya ng witness ni Vhong, na si Dr. Bernadette Manalo-Arcena, dahil wala raw itong personal na kaalaman tungkol sa kaso ayon sa abogado ng kampo nina Lee na si Atty. Howard Calleja.

Matatandaang nahatulang guilty sina Cedric, Deniece at Jed Fernandez nitong July ng grave coercion sa 50-page resolution ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Metropolitan Trial Court.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate