Regine Velasquez, nag-last taping na daw sa Sarap Diva noong September 18

Regine Velasquez, nag-last taping na daw sa Sarap Diva noong September 18

- Sa balita ngayon, nag-last taping na daw si Asia's Songbird Regine Velasquez sa Sarap Diva noong Martes, September 18, 2018

- Ani pa sa ulat ng media source, araw din raw iyon ng kanilang 6th anniversary at kapansin-pansin umano ang ipinu-post ng ilang staff nito online

- Dugtong pa sa ulat, nagpaalam na raw ang host nito na si Regine sa production staff ng nasabing programa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa balita na naispatan namin sa PEP, nagpaalam na nga raw ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez noong Martes, September 18, 2018, ang 6th anniversary umano ng Sarap Diva.

Saad pa sa ulat na nalamang ng KAMI, ito na raw ang huling episode ni Regine sa show.

Nagpaalam na daw ang singer-actress-TV host sa kanyang staff at nalulura raw ito.

Patuloy pa sa nasabing balita, meron pa daw gustong gawin si Regine na hindi niya nagawa sa GMA-7 na naging bahay na niya ng matagal na panahon.

Dagdag pa sa ulat, baka raw ia-announce ni Asia's Songbird ang diumano'y paglipat niya sa ABS-CBN, at ito mangyayari umano pagbalik daw niya mula sa kanyang US concert tour.

Ilang taon na rin si Regine Velasquez sa Kapuso network, lumipat na nga ang kanyang mister at mga kaibigan, siya lang ang naiwan.

Una ng binalita ang tungkol sa lipatan na nasali pa ang pangalan ni Megastar Sharon Cuneta at sinagot rin ng mister nito na si Ogie Alcasid, na binahagi rin namin dito kamakailan lang.

POPULAR: Read more news about Regine Velasquez here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel