Jinkee Pacquiao, binahagi ang bagong bigating endorsement ni Manny Pacquiao

Jinkee Pacquiao, binahagi ang bagong bigating endorsement ni Manny Pacquiao

- Kamakailan lang ay naibalita ang sosyaling pagpunta ni Jinkee Pacquiao sa Tokyo, Japan at nakita pa nga siya kasama ang kakambal niya sa loob ng isang luxurious limousine

- Generous naman ang misis ni Senator Manny Pacquiao na magbahagi ng mga kuhang larawan nila habang nagbabakasyon sila sa Land of the Rising Sun

- Ang pagpunta nila sa Tokyo ay hindi lang pala magbakasyon, kung hindi dahil sa bagong bigating international endorsement ng pambansang kamao

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang trending snaps ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram page at talaga namang pinag-uusapan ang mga latest posts niya kahit nakadisable pa ang mga comment box ng kanyang pictures dahil napakabongga naman talaga ng kanilang trip sa Tokyo, Japan.

Iyun pala ay may bigating business deal ang pambansang kamao, at ito ay ang launching ng bago niyang endorsement ang Six Pad, ayon na rin sa caption ni Jinkee, at balita na hatid na rin mismo ng MTG Co., LTD sa kanilang website.

Nagpost si Jinkee Pacquiao ng ilang snaps sa isang post na may caption na:

"Blessed Day! SIXPAD Launching! #traininggear #sixpad #Godisgood"

At nagshare din sa kanilang Instagram account ang naturang kompanya na iniindorso ni Manny Pacquiao.

Nandoon din si Floyd Mayweather sa Tokyo, Japan rin dahil sa kanyang busines dealings din, kaya nagpang-abot ang dalawa na nagviral talaga ang video, na binalita rin namin dito kamakailan lang.

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

POPULAR: Read more news about Jinkee Pacquiao here

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel