Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

- Nagpang-abot nga sa Tokyo, Japan sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa isang party, ayon na rin sa video na shinare ng dalawang boksingero

- Parehong nagbahagi sina Manny at Floyd ng video sa nangyaring pagkikita nila at viral agad ang dalawang posts nila

- Sabi pa ni Floyd sa kanyang IG caption, "I’m coming back to fight Manny Pacquiao this year. Another 9 figure pay day on the way @mayweatherpromotions"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Trending nga ngayon ang videos nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa Instagram na nagpapakita sa kanilang pang-abot, at dito nagsalita ang huli na babalik daw siya para makipaglaban sa ating pambansang kamao ngayong Disyembre.

Hindi nakalagay kung saang lugar ang nasabing event pero sa ibang larawan ni Floyd Mayweather na naispatan ng KAMI ay nakalagay, Tokyo, Japan.

Ang asawa naman ni Manny na si Jinkee Pacquiao ang nagbahagi sa kanilang kinaroroonan noong mga panahon na iyon.

Tila pareho ang dalawa na may importanteng business deals na pinuntahan sa naturang bansa.

Hindi din naman nagpahuli ang mga netizens sa pagcomment sa viral video post ni Pacquiao na umabot ng mahigit isang million ang views.

"They’re all pals"
"Honestly it looks like they are both having fun lol"
"Manny and Floyd should play in a comedy movie . something like Rush Hour."
"That was staged "
"What festival is this that it looks amazing lol"

Tila halata naman na nagkakatuwaan ang dalawang boksingero pero sa Disyembre na raw siya, Mayweather, makipagbakbakan kay Pacquiao.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko.

Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan.

Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Controversial housemate Ali Abinal now exits PBB; receives hate comments from netizens

Controversial housemate Ali Abinal now exits PBB; receives hate comments from netizens

Controversial housemate Ali Abinal now exits PBB; receives hate comments from netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel