Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante

Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante

-Dating overseas Filipino worker si Freddie Usita sa Taiwan, at sa hindi inaasahang pangyayari ay napilitang umuwi sa Pilipinas

-Ilang beses na sumubok si Freddie sa pagnenegosyo ngunit nabigo siya

-Pero hindi iyon naging dahilan para matapos ang kanyang paghahangad para sa maayos na buhay ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dating overseas Filipino worker sa Taiwan si Freddie Usati, 50 taong gulang. Ngunit nang malipat ang kompanyang pinapasukan sa China, napilitang bumalik sa bansa ang ating kababayan.

Sa pag-uwi, dala niya ang pangamba para sa hinaharap ng kanyang pamilya lalo na ang para sa mga anak.

Kapos man, sinubukan niya ang produksyon ng pugo ngunit dahil umano sa kakulangan ng kaalaman, na-bankrupt ito.

Taong 2011 naman, sinubukan niya ang produksyon ng mushroom, ngunit nabigo muli siya sa pangalawang pagkakataon.

Ganunpaman, hindi doon natapos ang kanyang interes sa produksyon ng mga mushroom. Dahil sa natural na interes sa Agrikultura, nag-enroll siya sa Marcos Agro-Industrial School sa ilalim ng TESDA, Marcos, Ilocos Norte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos niya sa kurso, sinubok niya muli ang pagpo-produce ng mushroom gamit ang mga kaalamang natutunan niya.

Makalipas ang ilang taon, nagsu-supply na siya ng mga mushrooms, hindi lamang sa Ilocos Norte ngunit maging sa Ilocos Sur at Cagayan.

Sa kasalukuyan, kumikita na umano si Freddie at ang kanyang asawa ng P27,500 kada buwan dahil sa mushroom production.

Dahil sa tagumpay, kinilala si Freddie at pinarangalan bilang isa sa mga TESDA Idolos taong 2016 para sa Region 1 at na-nominate sa national level.

Nakapagtapos ang kanyang panganay na anak sa isang maayos na paaralan at ngayo'y isa nang call center agent habang ang kanyang bunso ay masa grade 12 na at nag-aaral sa isang ring magandang eskwelahan.

Patunay lamang ito kung gaano kayaman sa oportunidad ang ating bansa para sa katulad ni Freddie na nagnais lumayo at maging OFW.

At si Freddie ay isang ehemplo na dapat tularan na sa kabila ng pagkabigo ay nanatiling matatag at pursigido.

Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante

Photo source: Pinoy Negosyo
Source: UGC

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala

Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala

Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel