Angelica Panganiban, isiniwalat ang napansing pagbabago sa ex-bf na si Carlo Aquino

Angelica Panganiban, isiniwalat ang napansing pagbabago sa ex-bf na si Carlo Aquino

- Napansin ng aktres na si Angelica Panganiban ang isang pagbabago kay Carlo Aquino

- Sinabi ng aktres na tila mas naging “yummy” pa ang aktor ngayon

- Nakuhanan naman ng video ang harutan at lambingan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang pag-aatubiling ibinunyag ng aktres na si Angelica Panganiban ang isa sa mga napansin niyang pagbabago sa dating nobyo na si Carlo Aquino.

Nalaman ng KAMI na may napansin si Angelica sa katawan ng aktor habang nakatambay sila sa isang tindahan.

Kinunan ito ng video ng That Thing Called Tadhana star at nagbigay pa ng komento lalo na’t naka-sleeveless boxer shirt si Carlo.

Ayon kay Angelica, napansin niyang parang “yummy” ang isang parte ng katawan ng aktor.

Ang parte ng katawan na tinutukoy ng aktres ay ang biceps ni Carlo.

“Chori, ang yummy talaga ng biceps mo lately” giit ng aktres.

“Ang yummy mo ngayon. Tingnan mo!” dagdag pa niya.

Sa hiwalay na social media post ni Carlo, nakunan din ang dalawa habang nasa loob ng kotse.

Walang kamalay-malay si Angelica na kinukuhanan siya ng video ni Carlo habang busy ito sa paggamit ng kaniyang telepono.

“Huli ka diyan!” sambit ni Carlo habang hinampas naman siya ni Angelica.

Narito ang dalawang nakaka-good vibes na video:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, inamin ni Carlo ang totoong dahilan kung bakit binisita niya at ng kaniyang magulang ang bahay ng aktres.

Si Angelica, o Angelica Charlson sa tunay na buhay, ay isinilang noong November 4, 1986. Bata pa lamang ay sumikat na siya dahil sa pagganap sa Sarah… Ang Munting Prinsesa.

Matagal silang naging magkarelasyon ni Carlo ngunit naghiwalay din noong taong 2006.

POPULAR: Read more news about Angelica Panganiban!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children

Homeschooling! 4 Filipino celebrities who chose homeschool for their children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel