Pak ganern! Waley kay Heart Evangelista ang netizen na pumuna sa mga alahas niya

Pak ganern! Waley kay Heart Evangelista ang netizen na pumuna sa mga alahas niya

- Nakakalungkot minsan na may mga tao na madaling mamintas ng ibang tao kahit hindi naman talaga kailangan

- At ang mga artista ay ang mas nakakaranas nito dahil nga rin ang spotlight ay nakatutok sa kanila

- Kamakailan lang ay may isang netizen ang pinintasan si Heart Evangelista dahil sa marami raw itong alahas na suot-suot at may napakasimple at classy na sagot ang aktres

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng GMA News Online ang pagpintas ng isang netizen sa suot-suot na mga alahas ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram post kamakailan lang.

Tila parang likas na sa ibang mga tao ang punain ang mga estilo ng mga sikat na artista gaya ng Darling of the Philippines na si Heart.

Kahit nakilala na ang Kapuso aktres bilang isang fashionista ay meron at meron pa ring hindi lang talaga gusto ang style niya, at hindi magdadalawang isip na magkomento tungkol rito.

Ito nga ang nangyari sa isang IG post ni Heart Evangelista, na naispatan ng KAMI.

Ipinakita ng aktres ang kanyang mga paboritong jewelry pieces ng isang luxury brand na Gas Bijoux.

Sa nasabing litrato ay makikita na suot-suot ni Heart ang kanyang mga paboritong mga alahas.

Ani pa niya sa kanyang caption:

"One of my favorite jewelry brands that I’ve been wearing for 2 years now is collaborating with my favorite shopper. It’s a match made in heaven! Honored to be the first to wear this. (emoji) @gasbijoux, @euroluxeperience "

Isang netizen ang nagkomento sa naturang post ni Heart at sinabing:

“Hindi na mukhang classy sa sobrang dami. Na over na tuloy siya.”

At nagreply ang isa sa Elle's best-dressed para sa Harper's BAZAAR ICONS Party 2018.

Ang simple at classy na sagot ni Heart:

"@iamissaira that's my style :)"

Hindi din naman dapat maging affected si Heart dahil mga luxury brands na ang nagpapaindorso sa kanya at kinilala lang naman siya ng Harper's Bazaar kaya wala ng dapat pang patunayan ang aktres.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015.

Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

POPULAR: Read more news about Heart Evangelista

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel