Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya

Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya

- Kamakailan nga ay binulabog ang buong showbiz sa bangayan ng Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya at mga kilalang showbiz personalities

- Isa na sa nakabangga niya ang ang perfume magnate na si Joel Cruz, na nagsampa umano ng kaso na "grave oral defamation" kay Dupaya

- Ngayon, pagkatapos daw maaresto ang naturang businesswoman kahapon, September 20, nagsalita na umanot tungkol rito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na hatid ng PEP, nagbigay na umano ng reaksyon ang perfume magnate na si Joel Cruz tungkol sa pag-aresto diumano sa Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya kaugnay daw ng kaso na sinampa nito sa huli.

Agad daw nakipag-ugnayan ang media source tungkol sa diumano'y pagdakip kay Dupaya kahapon, September 20, pero hindi daw ito nasagot ng perfume magnate dahil nabusy raw siya sa charity event na pinamumunuan niya.

Pero ngayon, September 21, nalaman ng KAMI, na nagpadala na raw ng pahayag si Joel Cruz sa media source, at ito ay sa pamamgitan ng isang text messaging.

Ani pa umano sa text message ng perfume magnate:

"Sa akin kasi, TRUTH WILL PREVAIL & JUSTICE WILL BE SERVED! Yan ang libel case niya at kami naman ng mga abogado ko ay nag-submit na ng mga legal documents or facts sa mga accusations niya sa akin! Which in fact may copies si Kathy lahat ng mga supporting documents namin o facts na provided sa kanya ng Prosecutor's office."

Dagdag pa umano ni Cruz:

"Kaya maging lesson o aral kay Kathy ang pagbibitaw ng mga salita na walang katotohanan o panay kasinungalingan dahil kaya namin tapatan ng mga ebidensya ang lahat ng mga accusations niya against sa akin."

Pagpapatuloy pa umano ni Cruz, hindi raw dapat idinaan ni Dupaya ang pagkakautang niya sa paninira sa kanya.

At pagtatapos pa niya:

"At huwag niya ibahin ang usapan o issue dito na magbayad siya ng utang sa akin worth P40,000,000 plus, ganon na rin sa ibang celebrities, businessmen, OFWs abroad na may mga utang siya! Bayaran niya kaming lahat ng utang niya dahil yan naman talaga ang main issue dito!"

Naibalita rin ang tungkol sa diumano'y pag-aresto kay Dupaya sa DZMM TeleRadyo.

Ibinahagi namin kahapon ang tungkol sa pag-aresto umano kay Brunei-based businesswoman Kathy Dupaya.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel