16 na mayor na missing in action sa kasagsagan ni "Ompong", pinagpapaliwanag

16 na mayor na missing in action sa kasagsagan ni "Ompong", pinagpapaliwanag

- 16 na mayor ang kinikwestyon at pinagpapaliwanag ngayon ng DILG dahil sa di ang mga ito matagpuan sa kanilang lugar noong nanalanta ang bagyong Ompong

- Karamihan sa mga alkalde na ito ay taga Cagayan valley

- Ang ilan pa sa mga ito ay nasa tour pala sa Malacañang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong Miyerkules, Setyembre 19 umabot sa 16 na mayor ang kinuwestyon ng DILG dahil sa maituturing na sila ay "missing in action" sa kani-kanilang lugar sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Karamihan sa mga Alkaldeng ito ay taga- Cagayan Valley at Cordillera. Tatlo sa mga mayor na ito ay napabalitang kasama sa mga alkaldeng bumisita sa Malacañang para sa isang tour.

Ayon kay DILG undersecretary Bernard Florese na maaring masuspinde ang mga alkalde na ito o tuluyang ma-dismiss.

Dagdag pa ni Florese, nagkaroon naman daw ng advisory na nagpapaalala sa mga mayor na hindi dapat nila lisanin ang kanilang bayang pinaglilingkuran lalo na at alam nilang may paparating na bagyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman kay presidential spokesperson Harry Roque, bagaman at wala pa ang pangalan ng mga mayor na naibalitang wala sa kanilang lugar, sang-ayon ang palasyo na patawan ng pinakamabigat na parusa ang mga ito. Sapat na dahilan ang lisanin nila ang pinaglilingkuran nilang lugar sa panahong kinakailangan sila ng mga ito.

Bibigyan lamang daw ng limang araw mula noong Miyerkules ang mga alkalde upang magpaliwanag ukol sa kanilang pagkawala sa kanilang lugar.

Maging ang ilang barangay officials ay kinikuwestiyon din sa maaring pagsasawalang bahala sa kanilang mga lugar sa kasagsagan ng tinaguriang super typhoon ng taon.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it…

Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel