Babala sa mga magulang! Toddler, kinunan ng ngipin, binugbog para kunan ng lamang-loob, nailigtas

Babala sa mga magulang! Toddler, kinunan ng ngipin, binugbog para kunan ng lamang-loob, nailigtas

- Isang toddler ang nailigtas pagkatapos siyang kunan ng dalawang ngipin ng mga taong halang ang bituka

- Nilapastangan pa siya ng mga taong dumukot sa kanya, ito raw ay para kunan siya ng lamang-loob

- Salamat sa Diyos at siya'y nailigtas, naka-survive ng pinagdaanang hirap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ngayon ang larawan ng batang hindi pa umaabot sa dalawang taong gulang na dinukot ng diumano'y white van.

Nalaman ng KAMI na nilapastangan ang kawawang bata at kinunan pa ng dalawang ngipin bago sana kunan ng lamang-loob.

Ayon sa Facebook page na Murang Pabahay Ng Pag-IBIG, buti na lang at nailigtas ang kawawang bata.

Pinost ito ng nasabing page para sana magsilbing babala ang karanasan ng bata sa mga magulang, na dapat bantayan ang mga bata.

Huwag silang hayaang gumala dahil hindi mo malalaman kung sinong mga masamang tao ang nasa paligid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Siguro ang masama pa dito ay pinapahirapan muna ang kanilang mga mabibiktima bago kunin ang kanilang mga lamang-loob.

Sa isang ulat ng PhilStar noon, isang organized Chinese ring daw ang nasa likod ng pagdukot ng mga bata upang i-harvest ang kanilang mga lamang-loob.

Nawa'y matutukan ng kapulisan ang bagay na ito, dahil mga inosenteng bata na walang kamuwang-muwang ang nabibiktima at nakakaranas ng matinding paghihirap dahil sa mga taong halang ang kaluluwa!

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel