Mocha Uson, kaliwa’t kanang reklamo ang hinaharap dahil sa pag-insulto ng sign language

Mocha Uson, kaliwa’t kanang reklamo ang hinaharap dahil sa pag-insulto ng sign language

- Isang reklamo na naman ang hinain sa Ombudsman ng deaf community laban kay Asec. Mocha Uson

- Gusto ng mga deaf advocates na isuspinde na si Uson at paalisin sa trabaho

- Sabi ng Palasyo ay irerespeto nila ang magiging desisiyon ng Ombudsman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kriminal na reklamo na naman ang hinain sa Office of the Ombudsman laban kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa video na tila mapanuksong ginagaya ng blogger na si Drew Olivar ang sign language.

Nalaman ng KAMI na nagsampa ng reklamo sa Ombudsman ang presidente ng Philippine Federation of the Deaf (PFD) na si Carolyn Dagani dahil sa diumano paglabag ni Asec. Mocha Uson sa Magna Carta of Persons with Disabilities (RA 7277), Civil Code of the Philippines (RA 386), Cybercrime Prevention Act (RA 10175), Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713), at United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (PWDs).

Base sa report ng Philippine Star ay kasama rin mag-file ni Dagani si Lauro Purcil ng Philippine Coalition on UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities. Nais nilang masuspinde at mapaalis sa trabaho si Asec. Uson.

Umani ng maraming batikos ang video ni Uson at Olivar. Kahit na si Senator Nancy Binay ay nagkomento na rin sa issue na ito sapagkat ito raw ay pambabastos sa deaf community.

Sa dati namang report ng KAMI, sinabi ng Palasyo na irerespeto nila ang magiging desisiyon ng Ombudsman kung sakaling patatalsikin nila si Uson sa PCOO. Matapos ito maghain ng reklamo ng mga deaf advocates sa pamumuno ni Philippine Deaf Resource Center executive director Dr. Liza Martinez.

May isa pang reklamo na kinakaharap si Uson ngayon dahil sa kanyang diumano ‘grave misconduct’ at ‘serious dishonesty’ na hinain namna ng Akbayan Youth noong Abril.

Nagsampa rin ng reklamo noon si Senador Antonio Trillanes kay Uson dahil sa ‘graft’, ‘breach of conduct’, ‘cyber libel’ at paglabag ng assistant secretary sa Cybercrime Prevention Act.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Are you ready to make some fun? - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel