Mas maginhawang byahe para sa 2022 ayon sa DPWH

Mas maginhawang byahe para sa 2022 ayon sa DPWH

-Apat na taon mula ngayon, mas maginhawa na umano ang byahe para sa mga Pilipino ayon sa DPWH

-Mula kay Secretary Mark Villar, mayroon na umanong maaring asahan ang mga motorista para sa mas maluwag na traffic sa bansa

-Ang proyekto mula sa 'Build! Build! Build! program ng administrasyon ay inaasahang matatapos ang 80% sa taong 2022

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas maginhawang byahe para sa mga Pilipinong motorista ang pangako ng Department of Public Works and Highways sa 2022. Ang balita ay mula mismo kay Secretary Mark Villar ayon sa report ng Manila Bulletin.

Ang balitang ito ay mula sa mga infrastructure na magli-link ng mga major roads sa pamamagitan ng mga bagong tulay, bagong expressways at mga bagong overpasses.

Mas maginhawang byahe para sa 2022 ayon sa DPWH

Photo source: Manila Bulletin

Araw-araw na lamang na problema ng mga Pinoy ang masikip na traffic sa bansa, kaya naman good news ito para sa lahat.

“Ibang-iba talaga, you won’t even remember what it was like before sa laki ng pagbabago,” sabi pa ni Sec. Villar.

1,908 kilometers ang luluwag, 328 kilometers ng diversion roads ang gagawin, , 1,316 kilometers na access roads ang ia-upgrade at 393 kilometers missing gaps sa mga national roads ang makokonekta dahil dito, mula sa report ng Manila Bulletin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mga ko-kompleto sa Luzon Spine Network ay ang mga sumusunod: Tarlac-Pangasinan Expressway, Central Luzon Link Expressway, Arterial Plaridel Bypass Road, Southeast Metro Manial Expressway, NLEX Harbor Link, Metro Manila Skyway- Stage 3, NLEX-SLEX Connector, NAIAX, Cavite-Laguna Expressway, SLEX-TR4, Quezon-Bicol Expressway and Laguna Lake Highway.

Dahil dito, maaari na umanong mas maluwag ang trapiko sa Metro Manila dahil may iba ng madadaanan ang mga motorista bukod sa EDSA.

Magkakaroon ng 12 tulay sa loob ng Metro Manila at magkakaroon ng mga daanan na maaring magamit mula north hanggang south.

Ayon pa kay Villar, taong 2022 ay maari na umanong matapos ang tatlong tulay na sa kasalukuyan ay ginagawa na, ang Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project, Binondo-Intramuros Bridge, and the Estrella-Panteleon Bridge.

Sa kabuuan umano, 80% ng proyekto ang maaaring matapos ng administrasyon sa 'Build! Build! Build! program nito sa loob ng apat na taon.

“I believe we have a pipeline that will significantly, in the next few years, reduce the traffic congestion and we have the pipeline that will allow the next government to finish what we started,

“I’m not saying this to make false promises. I’m telling you project by project and what’s my basis for saying that. I make that clear. I’m just telling you these are the projects, this is our plan and this is our timetable and you can hold me with that timetable,” ayon pa kay Villar.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte

Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte

Naguluhan na?! Nancy Binay, may gustong klaruhin sa listahan ni Paolo Duterte
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel