"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media

"Mrs. Incredible!" Billboard ni Toni Gonzaga, nagviral sa social media

- Pinag-usapan at nagtrending sa social media ang billboard ni Toni Gonzaga para sa isang sikat na drinking water

- Ani pa ng mga netizens "mani-mani" lang ng Ultimate Multimedia Superstar ang pagdala-dala ng sampung litro ng gallon na tubig

- Una nang, pinag-usapan ang bagong histura ni Mrs. Paul Soriano sa bagong haircut nito dahil hawig niya si Mrs. Incredible, at tila, ito na nga raw ang bagong titulo na ibinigay sa kanya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos magtrending dahil sa pagkahawig ng isa sa mga Kapamilya superstars na si Toni Gonzaga sa Mrs. ng "The Incredibles," ngayon naman ay pinag-uusapan ang kanyang billboard at posters para sa bagong iniindorso na produkto na isang sikat na drinking water.

Naispatan ng KAMI ang iba't ibang trending tweets online tungkol sa nasabing billboard at mga posters.

Kamakailan nga ay inuugnay nila si Toni Gonzaga na hawig na hawig sa lead star ng blockbuster animated film na "The Incredibles."

Hindi nila expect na ang pagka-ugnay ni Toni at ni Mrs. Incredible ay go way beyond sa kanilang "curvy" at "cartoonish" na hitsura.

Isang netizen ang nagpost ng picture ni Toni Gonzaga sa Twitter sa isang billboard na nagpapakita na dala-dala niya ang 10-liter galloon ng tubig para sa isang kilalang brand ng drinking water.

Dito na naman kumilos ang mga malikhaing mga utak ng Pinoy at tuluyang iniugnay si Toni sa Mrs. ng "The Incredible" dahil ani pa nila "mani-mani" lang ang pagdadala ni Mrs. Paul Soriano sa sampung litro na container ng tubig na parang isang superhero.

Marami ng mga titulo na ibinigay sa actress-concert performer-dancer-endorser-host-singer na si Toni Gonzaga gaya na lang ng Ultimate Multimedia Star, Princess of All Media, Certified Platinum Recording Artist, The Next Concert Queen(ani pa ni Martin Nievera noon), Romantic-Comedy Queen, Box-Office Queen, Best TV Female Host, Host of all Hosts (ani pa ng kaibigan niyang si Bianca Gonzalez Intal), Ultimate Multimedia Queen, at ngayon naman ay "Mrs. Incredible."

Talaga namang nakakaaliw ang mga netizens at fans kung mag-isip minsan pero tunay namang nakakabilig ang isang Toni Gonzaga.

Si Toni Gonzaga ay hindi makakaila sa isa sa pinakasikat na artista ng kanyang henerasyon dahil na rin sa kanyang versatility, wit, at undeniable looks.

Sa halos dalawang dekada niya sa showbiz industry marami na rin siyang napatunayan at mga awards na ipagmamalaki at milyong-milyong mga tagahanga bukod sa magandang personal na buhay.

Hanggang ngayon na siya isang misis na siya ni Direk Paul Soriano at ina siya ng napakasikat rin na celebrity baby na si Seve na ay nanatili pa rin siya sa isa sa pinakasikat na talents ng ABS-CBN.

Kaya naman maraming nag-iidolo sa kanya.

At napakasupportive din naman ng kanyang Vlog Superstar sissum na si Alex Gonzaga at napa retweet na lang sa viral tweet na ito.

Una namin naispatan ang kwentong ito sa FHM.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018

James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018

James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel