Pangulong Duterte, handa raw ipadala ang foreign critics sa militar bilang ‘live human target’

Pangulong Duterte, handa raw ipadala ang foreign critics sa militar bilang ‘live human target’

- Hindi na napigilan ni Pangulong Duterte magbigay komento sa mga foreign critics

- Sabi niya, tanging mga kapwa Pilipino lang niya ang may karapatang bigyan siyang kritisismo

- Kaya naman handa raw siya ipadala sa militar ang mga foreign critics bilang ‘live human target’

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang napuno na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga foreign critics na patuloy ang batikos sa kanyang ‘war on drugs’ at diumanong violation of human rights.

Nalaman ng KAMI na sa isang speech sa harap ng mga military troops sa Capas, Tarlac, na sabi ni Pangulong Duterte ay tanging mga kapwa Pilipino lang niya ang may karapatang bigyan siya ng kritisismo. Kaya naman labis na lang ang galit niya sa mga foreign critics na patuloy ang puna sa mga ginagawa niya para sa bansa.

“If I fell short, then as a Filipino, that is your right to criticize and even slam me if you want. I would never, never take it against you. Pero kung itong mga puti, itong mga g___ na ito, magpunta dito, maghanap ng kasalanan natin,” sabi ng Pangulo base sa report ng GMA News.

Dagdag pa ng Pangulo, kapag naubusan raw ng target ang militar, ipapadala niya raw ang mga foreign critics para magsilibing ‘live human target’.

Aniya, “Kaya sige lang, balang araw ‘pag naubusan kayo ng target at gusto ninyo ng live fire pati live human target, makapagdala lang ako ng tatlo niyan, makita mo ‘yan eh puro puti.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong March ay sinabi naman ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa Zamboanga City na dapat ipakain sa mga buwaya ang mga taga-United Nations human rights kung iimbestigahan lang nila ang ‘war on drugs’ ng administrasyon.

Kasalukuyang may kinakaharap na dalawang reklamo sa International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa ‘war on drugs’. Kaya naman tinanggal na raw ni Pangulong Duterte ang pakikisapi sa ICC noong March. Subalit, hindi raw mapapawalang bisa ng withdrawal ang mga reklamong nakahain sa Pangulo.

Sa dating report naman ng KAMI, pinatawang “guilty” diumano si Pangulong Duterte sa violation of human rights ayon sa International People’s Tribunal. Sabi naman ng Palasyo na ito raw ay “useless” at isang “sham decision”.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Are you ready to make some fun? - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel