Larawan ng lola na nagbibilang ng pera pambili ng de lata, nag-viral

Larawan ng lola na nagbibilang ng pera pambili ng de lata, nag-viral

- Viral ngayon ang larawan ng binahagi ng netizen kung saan hirap nang mag-budget ang isang lola sa kanilang pagkain

- Inabutan daw ng netizen na si Earl John Madarico bilang tulong

- Nadurog ang puso ng mga netizens na nakakita sa larawan at ito lamang daw ang isang ebidensya ng epekto ng inflation sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang larawan ng isang lola na nagbibilang ng kanyang dalang pera sa isang supermarket.

Makikita sa larawan na nilabas ng lola ang kanyang dalang pera at tinitingnan kung magkakasya ba ito sa balak niyang bilhing ilang pirasong de lata.

Nang magtanong ang matanda sa isang salesman kung kakasya ba ang pera niya upang ipambayad sa mga bibilhing de lata, doon na naglakas loob sumingit ang kumuha ng larawan na si Earl John Madarico at nagbigay ng kaunting halaga sa matanda upang masiguro lamang daw na makauwi ang matanda.

Ayaw pa raw sanang kunin ng matanda ngunit dala siguro ng pangamba na kulangin nga ang pera, tinanggap na rin ni lola at nagpasalamat ito.

Ayon pa sa nagpost, ito raw ang isang ebidensya ng epekto ng inflation sa mamamayang Pilipino kung saan labis na naghihirap ang talagang naghihirap na. Ang masaklap pa nito, mas apektado rin daw ang mga matandang wala nang nag-aalaga.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang post. May ilang nagsasabi na huwag naman daw sisihin ang inflation sa matinding paghihirap ng Pilipino habang ang iba ay nahahabag sa sitwasyon ni lola.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tanong ko lang, kung walang inflation may pambili naba si lola? Di naman sa hindi problema ang sobrang inflation, pero ang mas malaking problema naman dito ang poverty at konting benepisyo ng mga (poor) senior citizens sa bansa natin.. matagal na pong problema ng bansa yan. Kung sisisihin natin ang current Duterte govt sa mga nagugutom/di makabili ng pagkain ngayon, ibig niyo ba sabihin walang nagugutom (or mas konti ang nagugutom) sa panahon ni Noynoy/Gloria/Erap/Ramos/Cory?"

"Nakakawa nmn si lola kahit pinabili lang. Sana ma aksyunan agad ang inflation at sana mag deflate na ang mga prices."

"Inflation is not only in the PHILIPPINES...dito sa bansa kung nasaan ako..lahat din tumataas ang presyo..pero never dumaing mga residente kahit mga maralita..hindi sila pa ra rally din..dahil naiintundihan nila ang sitwasyon...pero bakit tayo jan sa pilipinas lagi na lang i aangal ang pagmahal ng lahat na bilihin. ..pero lahat naman sila naka android phone"

"alam na kaseng kapos sa supermarket pa bumili... mas makaka tipid kung sa palengke na lang bumili..sisi agad agad sa govt...."

"Inflation rate. Wag nyo isisi sa pangulo yan. Check nyo rin nangyayari sa ibang bansa. Ug mga bansang dahilan bakit nagkakaroon nang pagtaas sa mga bilihin. Busy kayo magubos nang oras na banatan ung current administration pero di nyo iniintindi yung nangyayari sa world economy. Para kayong si leni banat nang banat di naman alam sinasabi."

"Sana maramdaman ninyong mga nakaupo ang kalagayan ng mga kababayan natin na nag durusa at nag hihirap dahil sa pagtaas ng halaga ng halos lahat ng bilihin."

"hoy tumahimik kayo bakit yong load arw arw gastos din di bawasan natin paramakatipid huwag dada ng dada sa atin ang pag budget"

"given naman na may problema tayu sa inflation. and what is the best thing to do para maka tulong tayu? instead na isisi lahat sa presidente. Do you think it will.help? the best talaga mag tulungan hindi yung ang daming sat sat wala.namang nagawa!"

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Juan Ponce Enrile seeks re-election in the Senate for 2019 polls

Juan Ponce Enrile seeks re-election in the Senate for 2019 polls

Juan Ponce Enrile seeks re-election in the Senate for 2019 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel