Pumangit daw dahil umitim? Andi Eigenmann, sinupalpal ang mga nanlait sa kanyang hitsura

Pumangit daw dahil umitim? Andi Eigenmann, sinupalpal ang mga nanlait sa kanyang hitsura

- Hindi pinalampas ni Andi Eigenmann ang ilang netizens na pumuna sa hitsura

- Ito ay matapos niyang piliing mamuhay ng simple

- Naging mas kayumanggi na kasi siya dahil na rin sa hilig niya sa surfing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Andi Eigenmann ang ilang netizens na pinuna ang naging pagbabago sa kanyang hitsura. Sa isa sa kanyang mga Instagram posts ay makikita ang kanyang litrato na suot ang one-piece b1kini.

Sa comments section, sunud-sunod ang komento ng ilang netizens na pinuna ang hitsura ng aktres.

Nabago na kasi ang dating mapusyaw niyang balat dahil na rin sa lagi siyang bilad sa araw.

“Hala bakit ganyan na gurl? Beauty won’t last good luck na lang sa career at lablife mo…” puna ng isang netizen.

Sinagot naman ito ng aktres, “Outer beauty doesn’t last nga, kaya dapat wag yun ang pag-aksayan ng lahat ng panahon.”

Isang netizen pa ang nagsabing mukha siyang maninisid ng tahong at sinupalpal din ito ng anak ni Jaclyn Jose.

“Masaya ako maging kamukha nila kesa naman maging kamukha ko ikaw.”

Meron pang nagsabing sayang daw ang ganda ni Andi.

“Because? It saddens me how there are people as shallow as you who think that it’s a waste to focus on more important things than the way we look—i.e. living a fulfilling life of joy and positivity. May u find that somewhere in your personal journey through life, " buwelta ng aktres.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang nagpahayag si Andi na nais niya munang magpapahinga sa showbiz. Kasunod nito ay namuhay siya nang simple sa Baler, Quezon. Ibinenta niya ang mga gamit at itinira ang mga talagang kailangan niya.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018

James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018

James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel