Niloko umano ng asawa at ipinagdamot pa ang mga anak ng OFW na si Jeraldine

Niloko umano ng asawa at ipinagdamot pa ang mga anak ng OFW na si Jeraldine

-Sa kabila umano ng kanyang pagsasakripisyo ay nagawa pa siyang ipagpalit ng kanyang asawa at ipinagdamot pa ang kanyang mga anak

-Ayon kay Jeraldine, na isang overseas Filipino worker sa Kuwait, bigla na lamang nagbago ang kanyang buhay dahil dito

-Dahil dito, ninais umano niyang kitilin ang kanyang sariling buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Overseas Filipino worker si Jeraldine sa Kuwait at tulad ng marami ay may naiwang pamilya sa Pilipinas. May asawa at anak na inaasahang babalikan pa pagkatapos ng pagnanais na sumubok ng swerte sa ibang bansa.

Tulad ng madalas na mangyari, homesick at pangungulila sa pamilya ang unang nilabanan ni Jeraldine pagdating niya doon.

Ayon sa kanya, tanging mga litrato ng mga ito na lamang ang nagsilbing lakas niya para magpatuloy ang buhay doon.

Kahit pa limang oras na lamang ang pahinga kada araw at minsan ay wala na umanong kain dahil sa trabaho, patuloy siya sa pakikipagtuos sa buhay para sa inaasahang mas magandang buhay ng pamilyang naiwan sa Pinas.

Ngunit biglang nagbago ang lahat ng hindi na niya nakausap ang kanyang mga anak. Pasko, isang okasyon na ipinagdiriwang ng pamilya, wala umanong tawag mula sa kanyang pamilya.

At ang mas masakit na balita ang siyang nagpadurog sa kanyang puso, nalaman ni Jeraldine na may bago ng kinakasama ang kanyang asawa at nagawa pa umanong itira sa kanilang tahanan.

Bukod dito, ipinagdamot na rin sa kanya ang kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa sakit na naramdaman, nagawa umano niyang maglaslas upang tapusin na ang kanyang pagdurusa. Kwento nito, 15 araw daw siyang hindi nagising dahil sa kapangahasang nagawa sa sarili.

Sa ngayon, nasa maayos na siyang kalagayan at nagbabalak nang umuwi sa Pilipinas. Nagpapasalamat daw siya sa Panginoon na iniligtas siya sa tiyak na kamatayan upang makasama pa niya ang kanyang mga anak.

Maraming Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang makamit ang inaasahan na pag-ahon sa buhay. Ngunit marami sa kanila ang nabibigo dahil dito, tulad ni Jeraldine na hindi na buo ang pamilyang iniingatan.

Sana ay mas maging mapagintindi pa tayong lahat sa kanilang kalagayan dahil hindi madali para sa isang ama o ina ang malayo sa mga anak.

Nagawang lokohin ng asawa at ipinagdamot pa ang mga anak ng OFW na si Jeraldine

Photo source: Jeraldine Villa
Source: UGC

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel