Palasyo, depende na raw sa Ombudsman kung ‘sisibakin’ si Mocha Uson sa PCOO

Palasyo, depende na raw sa Ombudsman kung ‘sisibakin’ si Mocha Uson sa PCOO

- Naging kontrobersiyal ang video ni Mocha Uson at Drew Olivar sa mapanuksong panggagaya sa sign language

- Kaya naman nagsampa ng reklamo sa Ombudsman ang mga deaf advocates

- Sabi naman ng Palasyo ay irerespeto raw nila ang magiging desisiyon ng Ombudsman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw naman ng Palasyo na igagalang nila ang magiging desisyon ng Ombudsman kung sakaling papaalisin nila sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Assistant Secretary Mocha Uson.

Nalaman ng KAMI na sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Igagalang po ng Palasyo ang proseso. Kapag sinabi ng Ombudsman sibakin hindi po natin tututulan.”

Dagdag pa ni Roque na hintayin na lamang ang magiging desisiyon ng Ombudsman dahil may kapangyarihan naman ito magtanggal ng kahit na sino sa gobyerno sapagkat ang kasong hinain laban kay Asec. Mocha Uson ay administrative at criminal case.

Nagsampa ng reklamo sa Ombudsman ang mga deaf advocates sa pamumuno ni Philippine Deaf Resource Center executive director Dr. Liza Martinez. Sabi nila, nilabag raw nila Uson at Oliver ang Code of Conduct at Ethical Standards ng mga Public Officials. Kasama na rin sa reklamo ang paglabag diumano sa Civil Code of the Philippines, Cybercrime Prevention Act, Magna Carta for Persons with Disability at ang United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging kontrobersiyal ang video na pinost ni Mocha Uson kasama ang blogger na si Drew Olivar matapos mapanuksong gayahin ng blogger ang sign language ng mga impaired na tao. Maraming netizens ang binatikos ang video na ito dahil sa diumano pambabastos ng dalawa sa sign language.

Sa dating balita ng KAMI, nagkomento na rin si Senator Nancy Binay sa ginawa ni Mocha Uson. Aniya, “Hindi nakakatuwa ang huling video ni Asec. Mocha Uson at Drew Olivar,"

Naglabas na rin ng public apology si Mocha Uson at Drew Olivar ukol sa issue na ito.

POPULAR: Read more about Mocha Uson here!

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Are you ready to make some fun? - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel