President Duterte, ‘guilty’ daw sa human rights abuse ayon sa International People's Tribunal

President Duterte, ‘guilty’ daw sa human rights abuse ayon sa International People's Tribunal

- Ayon sa International People’s Tribunal ay “guilty” daw si Pangulong Duterte sa human rights violation

- Nagpasya ang jury na “guilty” ang Pangulo matapos pakinggan ang 31 na witnesses

- Sabi naman ng Palasyo ay isa lang itong “sham decision”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa International People’s Tribunal (IPT) sa Belgium ay guilty daw si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-labag ng human rights violation.

Nalaman rin ng KAMI na ang ruling ng mga jury ay nailabas na noong Martes at ipapadala na ito sa United Nations Human Rights Council, European Parliament, at International Criminal Court (ICC) kung saan may mga nakahain na ring reklamo laban sa Pangulo.

Base sa report ng ABS-CBN News ay may mga witness na nakausap ang jury na nagpapatunay sa pag-labag sa batas ni Pangulong Duterte.

“We heard the summary of testimonies of witnesses-- many of them heart-wrenching, traumatic and horrific- experts and resource persons,” sabi ng jury.

31 ang witnesses na nagbigay ng statement nila sa Belgium at through video. Isa na rito ang missionary nun mula Austraila na si Patricia Fox na na-deport mula Pilipinas matapos akusahan sa kanyang pakikisapi sa mga political activities sa bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang press briefing naman ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ruling ay isang “sham decision” at wala itong “official sanction”.

Dagdag pa ni Roque, “The validity of the findings will depend on the validity of the tribunal,” dahil sa tingin daw nila na ang IPT ay isang “propaganda body of the international left” kaya naman para sa kanila ay “useless” daw ito na propaganda kontra sa gobyerno.

Ngunit, ayon naman kay Edre Olalia, presidente ng National Union of People's Lawyers, ang IPT ay isang “legitimate venue at alternative or parallel platform,” kaya naman ay dapat ito sundin at irespeto ang due process.

Ang International People’s Tribunal 2018 ay isang ‘global court’ kasapi ang mga taga-European Association of Lawyers for Democracy and World Human Rights, , International Association of Democratic Lawyers, Haldane Society of Socialist Lawyers, IBON International, at International Coalition for Human Rights in the Philippines.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Are you ready to make some fun? - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel